Naalala ko lang.

Nabasa ko yung status ng tropa kong lalaki.
“I will never hurt a girl. Kahit dumudugo na ilong ko.”

Tapos nakachat ko sya. Nagpakwento ako ganyanganyan. Tapos ayun. Naalala ko lang sabi nya. “Oo naman. Hinding hindi ako mananakit ng babae. Mananakit lang ako pag kayo na ang sinaktan.”

Wala lang. Hindi naman sa crush ko sya or something na kung ano pang shit. Pero natuwa lang ako nung narinig/nabasa ko yun. Wala kasing magandang example na naipakita sa’kin yung mga lalaki dito sa bahay. Alam mo yun? Ni minsan, hindi ko yun naranasan marinig mula sa mga lalaking inaasahan kong marinig yun. 

Wala lang, sobrang memorable lang nun. 
Sana mga ganung lalaki nlng yung naging Kuya ko. 

  January 28, 2012 at 09:09am
  1. ikaboom posted this