IKA GABOR
Fine Arts major in Viscom
I put all my grudges here
Blog
Kwento
Works

 ang pa-deep
January 29th
9:26 AM

Naiisip ko ang mga taong masasaya ako kasama ngayon. Ang mga taong  sa tingin kong hindi ako iiwan, o ang mga taong iiwan ako.

Sa paglipas ng panahon, alam mo yun? Sa bilis tumakbo ng oras, ganun din kabilis magbago ng mga nangyayari. Ganun din kabilis magbago ng tao. Marami pang pwedeng mangyari. Na ang mga taong nasa isip mo eh hindi mo na pala makakasama sa iyong hinaharap.

Yung mga karelasyon mo ngayon na sa tingin mong tatagal, hindi pala. O ang akala mong hindi tatagal, eh tatagal pala.

Alam mo yun, yung maiisip mo yng kinabukasan. O yung hindi lang basta bukas. Kundi yung hinaharap. Yung kung sino bang makakasama ko pagkatapos ng kolehiyo. Kung sinong makakasama mo sa susunod na taon, sa susunod na buwan. O kung sinong makikilala mo bukas. Kung mababago ba nya ang buhay mo. Kung sasaktan ka ba nya, o kung papasiyahin. Kung sya ba ang bago mong best friend. At kung ano ano pa.

Yung hindi mo alam na yung dating nilait mo yung porma sa mall nung nakasalubong mo dati, hindi mo pa kilala. Tapos magiging kaibigan mo pala some time this year. Siguro mga March? April? December? O di kaya naman maging kainuman mo? Friend ng friend mo? Blaaah.

Mga ganung bagay.

Yung kung sino ba ang makikilala mo, at kung sino ang matitira, magsstay, at kung sino ang kailangang umalis, at kung sino ang mangiiwan. Nakakaloka isipin.

Ewanko. Masyado na ata akong nag-iisip. Imbis na gumagawa sana ako ng plate. Lol. Pero diba, ano nga kayang mangyayari kung alam na natin ang hinaharap? Mas magiging mabuting tao kaya tayo? Magiging mabait kaya tayo sa mga taong galit na galit ka ngayon, pero nalaman mo palang hindi ka iniwan? Or go with the flow?

Maraming pwedeng mangyari.

Pero siguro, sabi nga nila, “let’s make the most out of it.”

  1. ikaboom posted this