IKA GABOR
Fine Arts major in Viscom
I put all my grudges here
Blog
Kwento
Works

 ang pa-deep
January 29th
10:23 AM

Alam mo yung maliliit na moments sa buhay mo, (or yung simpleng gathering kasama friends) na hinding hindi mo makakalimutan? Na hindi mo alam kung bakit, pero sobrang memorable. Yung moments na hindi ka naman tumawa ng malakas, pero ang saya saya mo?

Well, gusto ko lng maglista nung iilan sa’kin. (sana wala akong malimutan)

  • 1styr college. Yung lagi kaming nakatambay nina Gray at Aly sa Starbucks Torre. tapos paguusapan na namin lahat ng pwede pagusapan. Kahit sobrang random. Hanggang mag-gabi pa minsan. Basta, kaming tatlo.
  • Yung kaming tatlo ni Gray at Tina sa Makati. Yung tumambay kami sa Starbucks din don. Tapos wala lang, sarap lang ng kwentuhan non. Tas sinamahan nila ako magpakulay ng buhok. Tapos yung meryenda namin non sa Glorietta 5. Tas galit pa kaming dalawa ni Gray sa isa naming kaklase non. Lol. Tapos si tina… hehehe.
  • Yung time na nasa Baler kami, tapos mga bandang 5:30pm na. Yung magdidilim na. Basang basa ako kasi kakaahon ko lang sa dagat non, nakabalot ako ng towel. Tapos nagmemeryenda ako ng Spaghetti at may Milkshake pa, pinapanuod ko yung mga kaklase kong naggagaguhan at nagtatakbuhan sa may shore. Tas sobrang hangin, tas wala, nakangiti lang ako. Pinapanuod ko sila.
  • Yung excitement nung Photography class namin. Yung araw na pupunta kaming Greenbelt para panuorin yung WTK, The Maine at Nevershoutnever, tapos after non 12 mdnight yung alis namin papuntang baler. Yung nagbibigay ng instructions si sir na “wag masyadong lumayo”, magingat sa mga alon, ganun ganun. Yung nakakaexcite na “SHET PUPUNTA KAMING BALER MAMAYA!!!” 
  • Yung streotype photoshoot
  • Yung kasama ko kumain si Maikee, Mara at yung mama ni Maikee sa Mang Inasal. tas nanlibre si Tita.
  • Yung kumanta si Dolf ng DAUGHTERS nung debut ni Milan
  • Yung nakapila kami nung dalawa kong kasama nung concert ng Paramore
  • Pag kasama ko si Marj, Jheisha at Jestine.
  • Yung umiinom kami ni Marj ng sobrang lamig na Tanduay Ice sa shore sa bora :))))))
  • Yung naglaro kami ng baraha sa tabing dagat.
  • Yung mine-makeupan ako ni Marj (jusko) sa room namin nung nasa bora. Ewanko kung bakit pero ewan. Ang saya ko non hahahaha!! Pota
  • Yung nasa bus kami ni Jestine galing Greenhills. :’D
  • Yung nag-I HAVE NEVER WHAT na game kami ng HS at College friends ko.
  • Yung tinanggal ni Audrey at ni Jestine yung sapatos ko nung 19th ni Jevi. Kasi lasing na ata ako. :))
  • Yung niyakap ako ni Mik nung nasa La Luz kami. Kasi sa gitna ng inuman, tumaas yung lagnat ko.
  • Pag nagtatawanan kami ni Hannah
  • Yung kinantahan ako ni Randolf at ni Kiel
  • Yung sinayaw ako ni Randolf at ni Kiel nung debut ni Milan!!! HAHAHAHA
  • Yung usapan namin sa ride nung papunta sa debut ni Milan :))
  • Pag nagjajamming kami ni Dolf at Kiel
  • Nung nagjajamming kaming nineteen.
  • Yung tatlo kami nila Mona at Gray last week. Umiinom, tas may fireworks.
  • Yung tatlo kami ni Jheisha at Marj, tapos may fireworks
  • Yung pinanuod ko yung sunrise sa Pansol, Laguna. (tulog pa yung iba kasi mga lasing ata)
  • Yung nasa van kami papuntang Baler. Mga 1am yun. Yung tugtog sa radyo “Biglaan” ng 6-cycle mind. Tapos wala lang, ang chill lang.
  • Tas ung nagising ako ng 3am, nagstopover kami sa Nueva Ecija. Tinanong namin kung ilang oras nlng yung ride. Apat na oras pa daw. Lol
  • Yung galing kami ni Dadi sa Quezon City. Tapos pauwi na kami, yung tugtog sa radyo “How Deep Is Your Love” ng Beegees. Tapos kumakanta kami parehas.
  • Yung paliko-liko magdrive si Willi. Tapos lahat kami na nakasakay sa kotse nya, may tama na :))
  • Yung magagandang soundtrip sa kotse ni Willi. Tapos kumakanta kaming lahat.
  • Yung ride din na kasama ko sila Kiel, Dolf, Willi at Hannah tas pinaguusapan namin yung kwentong “nasa trunk si jesus”. :))
  • Yung ride nung hinatid ako ni Mona at ni Willi sa bahay. Galing Manilart.
  • Yung nagmcdo kami after peace camp (nung 1st year)
  • Yung friday night dinner naming blockmates
  • Yung lahat kami nagchicheer nung intrams pag magshushoot si mara ng bola =))))))))))))
  • Yung napasayaw ako ni Marj at Jhe ng california girls. Putang ina :))
  • Yung first inuman namin ng blockmates ko
  • Yung first inuman namin ng HS friends ko
  • Yung first time kong nakitang magyosi si….. =))
  • Yung inuman naming dalawa ni Marj
  • Yung inuman naming dalawa ni Gray bago magrakenrol (1st time din nyang makakain ng sisig)
  • Yung nalasing si Maikee
  • Yung bumili kami ni Cathy ng parehas na bag
  • Nung 3rd year, yung 1st time ko makasama magmall si cathy na kaming dalawa lang. (tas di pa kami close nun) hahaha
  • Yung first time kong makasama si Audrey, tas close ko agad.
  • Yung time na nagpasundo ako kila Jestine, Jheisha at Audrey sa Santolan station. Yung nakita ko yung mga mukha nila. Naiyak ako tapos niyakap ko sila
  • Pag tinatawag ako ni Rea na “Partner!”
  • Pag nagagaguhan kami kasama si Rea, Mik at Hannah
  • Yung sumabay ako pauwi sa kotse ni Darb
  • Everytime na sumasabay ako kila Hannah pauwi. 
  • Yung pagfold ng paper cranes!!!
  • Yung naglakad ako mag-isa sa overpass Rotonda ng gabi, kita ko streetlights tas nakaearphones ako tas maganda yung music
  • Pag nagmemeryenda at nagcucut kami ni Hannah at Mara sa blue tent.
  • Yung nagyakapan kami ni tina nung birthday ko.
  • Every time na magoovernight kami kila Jestine
  • Yung magttawanan kami ni Audrey
  • EVERY BIRTHDAY NI CATHY AT JEVI. THE BEST
  • Birthday din ni Maikee!
  • Tuwing one on one talk kami ni Mader
  • Yung 1st time namin magovernight ni Aly kila Gray
  • Yung chumill ako kasama si Mona at Willi nung tinulugan ako ni Gray nung nag-away sila ni Mara nung nagovernight kami sa kanila :)))))
  • Yung nasa kubo kami nung Baler tapos may nakaaway kaming mga lalaki don, to the rescue sila dolf. =))
  • Yung naglaro kami ng truth or dare sa baler. Sa may shore. Tas dinare namin yung prof namin sumigaw ng “PENIS!!!” tapos ginawa nya.
  • Yung nagbabasa ako ng libro habang inaantay si Marj. Kasama ko si dolf, tina at fer. 

UGHHHHHH ang damiiiiiii. :)) pero sobrang kulang pa. Grabe. Nilagay ko lang kung ano yung pumasok sa isip ko ngayon. Pero siguro itutuloy ko pa ‘to.

Gusto ko lang ilagay dito para pag nabasa ko, maaalala ko ulit. At babalik-balikan ko. Mahirap na, baka mauntog ako, malimutan ko yan lahat. Loljk.

Pero ayun. Wala lang. Ang saya :)) Isasama ko yung pagsusulat nito sa listahan ko :))

  1. ikaboom posted this