February 5th
9:01 AM
9:01 AM
a message from Anonymous
Hi. Yung guy friend ng girlfriend ko, sinisiraan ako sa girlfriend ko kahit wala naman akong ginagawa tapos nilalandi niya pa pag nakatalikod ako. Ano ang gagawin ko? :( Btw. yung guy na iyon may girlfriend na ayun lamang. pasensya kasi ikaw lamang ang kilala kong magaling mag advice kahit di mo ko kilala. thank you in advance
Shoot to kill. Loljk
Anyway. Para sa’kin, tiwala nlng muna sa ngayon ang kaya mo panghawakan. Tiwala sa’yo, at sa girlfriend mo. At tiwala sa inyong dalawa. Lalo na’t kung wala ka namang ebidensya na sinisiraan at nilalandi talaga. Kasi minsan tayo lang ang nakakaramdam at nakakapansin nyan eh, kaya mahirap maghanap ng kakampi. Pero wag kang magalala, naiintindihan kita.
Maganda rin siguro kung kakausapin mo yung girlfriend mo about dun. :) mas maganda na yung napapagusapan.
About naman dun sa guy at sa girlfriend nya. Hayaan mo na sya/sila. Mahirap nang sabihin sa girlfriend nya yun kasi baka isipin na ikaw yung naninira. Baka bumaliktad yung storya sabihin ikaw yung mapanira. Diba? Basta, magusap kayo ng girlfriend mo. At tiwala nlng.
Nuks!
-
marvinmatic liked this
-
porsheohporshe liked this
-
ikaboom posted this