Requiem

First day of school na cool na cool

June 13, 2012

Hindi ako natulog nung gabi bago ang pasukan. Ewanko kung excited ba ako (lol no) o sadyang hindi lang talaga ako makatulog. Nakatunganga lang ako sa kisame. Mga alas-singko ng umaga bumangon na ako. Nagluto ng bacon. Gising na din mga tao sa bahay. Tinanong pa ako ni mami kung bakit daw ang aga ko. 9am pa naman ang klase ko. 6:30 dapat ako gigising pero wala eh, hindi talaga ako nakatulog.

Binaha ko ng text si Gray kasi hindi siya nagrereply sakin kung san kami magkikita. Tapos nagpanic ako baka ako lang papasok sa’min. Text ako ng text sakanya. Hindi siya nagrereply. Hanggang sa sinabi sakin ni Mara na wala nga pala siyang Rizal. (yung klase namin nung araw na yon) 

Mga 6:00 nagtext sakin si Ram “Sabay tayo umuwi! :)” 3:20 pa ang uwian niya, at 4 naman si Bibing (yung isa pa naming kasama) Pero naisipan ko, tumambay na lang sa school at antayin sila.. tutal ayaw ko pa namang umuwi.

Sobrang laughtrip yung unang prof. Hindi ko rin alam kung bakit. Kung andun kayo, baka maintindihan niyo ako. Hindi ko rin talaga pwede maging katabi si Mara sa mga ganong subject kasi tawa lang kami ng tawa. Pucha. Hahaha

Pagkatapos non, uwian ko na. 10:30am. Saya lang diba. Aksaya sa baon. Isang subject lang =)) tapos aantayin ko pa yung mga kaibigan ko hanggang 4. Yey! Hahahahaha! Pero ayun, kumain kami ng mga blockmates ko, tumambay, tapos nag-ayos ng sched. Medyo matagal-tagal din ang pag-aayos ng sched. Hassle. Palakad lakad kami sa magkabilaang building para maghanap ng prof. Natapos siguro kami mga 2:15pm.Tapos tumambay kami ng mga blockmates ko hanggang 4.

Hahaha, ayun. Dumating din yung mga kaibigan ko ng 4 tapos umalis na din ako. (Thanks pala kay Mara at Aly sa pagsama sakin maghintay at sa pakikinig sa mga kwento kong nonstop hahaha!) 

Tas kumain kami tapos umuwi na rin. 

Tapos tapos.. Sumasakay kami ng jeep pauwi, tapos si Bibing nauna sa jeep, tas marami nang nakasingit, hindi kami nakasakay ni Ram =))))))))) ayun, nauna siya. Tapos dun kami ni Ram sa susunod na jeep. Pagdating ko dun sa sakayan ng Tryk, humiwalay na si Ram sakin kasi sasakay na siya ng jeep papunta sa kanila. Nakita ko si Bibing sinalubong ako. Tawa ng tawa. Sumigaw daw siya sa jeep ng “IKA WAG NIYO KONG IWAAAAAN!” tapos pagtingin daw niya sa mga tao sa loob, nakatingin daw sknya. Munggago lang =))))))

Hahahaha!

A- day! :)

Posted 11 months ago with 1 note
Tags: ikwento  nineteen  college  friends  
  1. ikaboom posted this
theme