Day 7: Lyrics and why you chose them
Ang paborito ko talagang lyrics sa lahat eh nanggagaling sa kantang December 2 Chapter VII ng Taken by Cars. Yung part na
“Always almost too close”
Pero nasabi ko na ata yun dito, kaya para maiba naman.. Ito naman:

“Feelings mean nothing” — Yesterday’s Feelings by The Used
Wala lang. Maganda yung kanta. Simple lang, hindi ganon kalalim, hindi rin ganon kababaw. Ewanko, para sa’kin yung lyrics na yan eh hindi lang pang love eh. Nakakagaan kasi ng loob. Minsan kung halimbawang yung pakiramdam ko sa isang tao eh sobrang naiinis, sobrang in love, o kaya naman sobrang gaan, o kaya naman kung paranoid ako sa nararamdaman ko. Iniisip ko yang part na yan. FEELINGS MEAN NOTHING. Okaya kung gusto mo makalimot. Pwede rin. :))
Ewanko. Basta ilang araw ko na yang pinapatugtog.
Para rin kasi syang ano, alam mo yung mga kantang maiisip mo kapag ka na-stuck ka sa isang sitwasyon. Ewanko. Basta! Hindi ko maexplain. Basta yang 3 words na yan, kahit gano kaonti, dami sinasabi eh. Parang pinaparating sa’yo na, feelings lang yan, mawawala rin yan. O kaya naman, pag galit ka parang sinasabi na, o easy lang.. relax. Yung mga ganung shit.
Eh basta. Hindi ko din magets sarili ko eh. Ewanko kung gets nyo. Kayo na bahala umintindi. =)) Basta yun. Gusto ko yang part na yan sa buong kanta. HALABIT. HALABIT. Hahaha