Hi I'm Ika and I hate a lot of things
Fine Arts major in Viscom
I put all my grudges here
Blog
Kwento
Works

dopehead/s
January 29th
10:23 AM

Alam mo yung maliliit na moments sa buhay mo, (or yung simpleng gathering kasama friends) na hinding hindi mo makakalimutan? Na hindi mo alam kung bakit, pero sobrang memorable. Yung moments na hindi ka naman tumawa ng malakas, pero ang saya saya mo?

Well, gusto ko lng maglista nung iilan sa’kin. (sana wala akong malimutan)

  • 1styr college. Yung lagi kaming nakatambay nina Gray at Aly sa Starbucks Torre. tapos paguusapan na namin lahat ng pwede pagusapan. Kahit sobrang random. Hanggang mag-gabi pa minsan. Basta, kaming tatlo.
  • Yung kaming tatlo ni Gray at Tina sa Makati. Yung tumambay kami sa Starbucks din don. Tapos wala lang, sarap lang ng kwentuhan non. Tas sinamahan nila ako magpakulay ng buhok. Tapos yung meryenda namin non sa Glorietta 5. Tas galit pa kaming dalawa ni Gray sa isa naming kaklase non. Lol. Tapos si tina… hehehe.
  • Yung time na nasa Baler kami, tapos mga bandang 5:30pm na. Yung magdidilim na. Basang basa ako kasi kakaahon ko lang sa dagat non, nakabalot ako ng towel. Tapos nagmemeryenda ako ng Spaghetti at may Milkshake pa, pinapanuod ko yung mga kaklase kong naggagaguhan at nagtatakbuhan sa may shore. Tas sobrang hangin, tas wala, nakangiti lang ako. Pinapanuod ko sila.
  • Yung excitement nung Photography class namin. Yung araw na pupunta kaming Greenbelt para panuorin yung WTK, The Maine at Nevershoutnever, tapos after non 12 mdnight yung alis namin papuntang baler. Yung nagbibigay ng instructions si sir na “wag masyadong lumayo”, magingat sa mga alon, ganun ganun. Yung nakakaexcite na “SHET PUPUNTA KAMING BALER MAMAYA!!!” 
  • Yung streotype photoshoot
  • Yung kasama ko kumain si Maikee, Mara at yung mama ni Maikee sa Mang Inasal. tas nanlibre si Tita.
  • Yung kumanta si Dolf ng DAUGHTERS nung debut ni Milan
  • Yung nakapila kami nung dalawa kong kasama nung concert ng Paramore
  • Pag kasama ko si Marj, Jheisha at Jestine.
  • Yung umiinom kami ni Marj ng sobrang lamig na Tanduay Ice sa shore sa bora :))))))
  • Yung naglaro kami ng baraha sa tabing dagat.
  • Yung mine-makeupan ako ni Marj (jusko) sa room namin nung nasa bora. Ewanko kung bakit pero ewan. Ang saya ko non hahahaha!! Pota
  • Yung nasa bus kami ni Jestine galing Greenhills. :’D
  • Yung nag-I HAVE NEVER WHAT na game kami ng HS at College friends ko.
  • Yung tinanggal ni Audrey at ni Jestine yung sapatos ko nung 19th ni Jevi. Kasi lasing na ata ako. :))
  • Yung niyakap ako ni Mik nung nasa La Luz kami. Kasi sa gitna ng inuman, tumaas yung lagnat ko.
  • Pag nagtatawanan kami ni Hannah
  • Yung kinantahan ako ni Randolf at ni Kiel
  • Yung sinayaw ako ni Randolf at ni Kiel nung debut ni Milan!!! HAHAHAHA
  • Yung usapan namin sa ride nung papunta sa debut ni Milan :))
  • Pag nagjajamming kami ni Dolf at Kiel
  • Nung nagjajamming kaming nineteen.
  • Yung tatlo kami nila Mona at Gray last week. Umiinom, tas may fireworks.
  • Yung tatlo kami ni Jheisha at Marj, tapos may fireworks
  • Yung pinanuod ko yung sunrise sa Pansol, Laguna. (tulog pa yung iba kasi mga lasing ata)
  • Yung nasa van kami papuntang Baler. Mga 1am yun. Yung tugtog sa radyo “Biglaan” ng 6-cycle mind. Tapos wala lang, ang chill lang.
  • Tas ung nagising ako ng 3am, nagstopover kami sa Nueva Ecija. Tinanong namin kung ilang oras nlng yung ride. Apat na oras pa daw. Lol
  • Yung galing kami ni Dadi sa Quezon City. Tapos pauwi na kami, yung tugtog sa radyo “How Deep Is Your Love” ng Beegees. Tapos kumakanta kami parehas.
  • Yung paliko-liko magdrive si Willi. Tapos lahat kami na nakasakay sa kotse nya, may tama na :))
  • Yung magagandang soundtrip sa kotse ni Willi. Tapos kumakanta kaming lahat.
  • Yung ride din na kasama ko sila Kiel, Dolf, Willi at Hannah tas pinaguusapan namin yung kwentong “nasa trunk si jesus”. :))
  • Yung ride nung hinatid ako ni Mona at ni Willi sa bahay. Galing Manilart.
  • Yung nagmcdo kami after peace camp (nung 1st year)
  • Yung friday night dinner naming blockmates
  • Yung lahat kami nagchicheer nung intrams pag magshushoot si mara ng bola =))))))))))))
  • Yung napasayaw ako ni Marj at Jhe ng california girls. Putang ina :))
  • Yung first inuman namin ng blockmates ko
  • Yung first inuman namin ng HS friends ko
  • Yung first time kong nakitang magyosi si….. =))
  • Yung inuman naming dalawa ni Marj
  • Yung inuman naming dalawa ni Gray bago magrakenrol (1st time din nyang makakain ng sisig)
  • Yung nalasing si Maikee
  • Yung bumili kami ni Cathy ng parehas na bag
  • Nung 3rd year, yung 1st time ko makasama magmall si cathy na kaming dalawa lang. (tas di pa kami close nun) hahaha
  • Yung first time kong makasama si Audrey, tas close ko agad.
  • Yung time na nagpasundo ako kila Jestine, Jheisha at Audrey sa Santolan station. Yung nakita ko yung mga mukha nila. Naiyak ako tapos niyakap ko sila
  • Pag tinatawag ako ni Rea na “Partner!”
  • Pag nagagaguhan kami kasama si Rea, Mik at Hannah
  • Yung sumabay ako pauwi sa kotse ni Darb
  • Everytime na sumasabay ako kila Hannah pauwi. 
  • Yung pagfold ng paper cranes!!!
  • Yung naglakad ako mag-isa sa overpass Rotonda ng gabi, kita ko streetlights tas nakaearphones ako tas maganda yung music
  • Pag nagmemeryenda at nagcucut kami ni Hannah at Mara sa blue tent.
  • Yung nagyakapan kami ni tina nung birthday ko.
  • Every time na magoovernight kami kila Jestine
  • Yung magttawanan kami ni Audrey
  • EVERY BIRTHDAY NI CATHY AT JEVI. THE BEST
  • Birthday din ni Maikee!
  • Tuwing one on one talk kami ni Mader
  • Yung 1st time namin magovernight ni Aly kila Gray
  • Yung chumill ako kasama si Mona at Willi nung tinulugan ako ni Gray nung nag-away sila ni Mara nung nagovernight kami sa kanila :)))))
  • Yung nasa kubo kami nung Baler tapos may nakaaway kaming mga lalaki don, to the rescue sila dolf. =))
  • Yung naglaro kami ng truth or dare sa baler. Sa may shore. Tas dinare namin yung prof namin sumigaw ng “PENIS!!!” tapos ginawa nya.
  • Yung nagbabasa ako ng libro habang inaantay si Marj. Kasama ko si dolf, tina at fer. 

UGHHHHHH ang damiiiiiii. :)) pero sobrang kulang pa. Grabe. Nilagay ko lang kung ano yung pumasok sa isip ko ngayon. Pero siguro itutuloy ko pa ‘to.

Gusto ko lang ilagay dito para pag nabasa ko, maaalala ko ulit. At babalik-balikan ko. Mahirap na, baka mauntog ako, malimutan ko yan lahat. Loljk.

Pero ayun. Wala lang. Ang saya :)) Isasama ko yung pagsusulat nito sa listahan ko :))

December 31st
9:55 AM

Hello friends

Cheers for all the difficulties.
Cheers for the good times and bad times.
Cheers for all the issues.
Cheers for the bonding.
Get drunk for all the love and the hate.
Get high for all that has been shared, and not shared.

And most of all, cheers for another year of being together.

Despite all the pissed out moments, the hatred, the jealousy, the exchange of foul words and the issues.. We still manage to stay friends in the end. And I hope it’ll be the same for the coming years. I love you guys, alam niyo yan. >:D<

Happy 2012!

November 14th
10:50 AM

KitKat

Have a break, have a Kit-Kat

Kahit ilang Kitkat ata ang kainin ko eh hindi ako makapagbreak. Sa tingin ko kelangan ko ng break. At hindi sapat ang sembreak. Parang gusto ko ng isang taong pahinga. Alam mo yun. Hindi ko alam kung ako lang ba, or nakakapagod na talaga lahat.

Parang umay na ako sa araw-araw na nangyayari.

Naalala ko lang kasi yung snabi ni Gray kanina “Gusto ko mag-isa” (acharaaaa)

Pero seryoso. Alam ko yung feeling na ganun. Yung magiisip-isip ka muna. Kaya minsan naiintindihan ko rin yung sitwasyon ni Kiel. Although iba yung dahilan, alam ko yung feeling na gustong gusto mong magpahinga. Yung lumayo ka muna sa lahat ng drama, sa lahat!

Lately, as much as possible, hindi ko muna pinapansin halos lahat ng issues. Dinadaan ko nlng sa tawa. At sa panglalait. LOL. Natutuwa ako tumawa. Yung parang gusto ko tawanan lahat. (kaya hindi nakakapagtaka pag nagsama kami ni hannah eh ang sarap lang tumawa, bufefe HAHAHAHA!) Oo minsan sumosobra na ako, pero wala lang. Ewanko.

Ang sarap tumawa, eh. Basta nung mga nakaraang araw, pag alam kong napapagod na ako, o nababato na ako.. Umuuwi na ako. O naguunwhine. Maganda rin yung makipagkita sa mga kaibigan mong hndi mo madalas makita. Para maiba naman.

Alam mo yun, nakakapagod. -______- kakaumpisa plng ng sem pagod na ako. :)) pero ayun. Parang paulit-ulit nlng yung nangyayari. Gigising, papasok, uwi. Gigising, papasok, uwi. 

Ewanko. Ako lang siguro ‘to. 

November 8th
9:06 AM

3rd Yr College: Second Semester

Masaya, na boring, na malungkot itong araw na ‘to.

6:30am ako gigising. Pero nakatulog ako ng alas-kwatro na ng umaga. Kasi, sa ganong oras, nakahanap pa ako ng katext. =)) Akala ko nga hindi na ako makakatulog eh. Hindi ko na matandaan kung pano ko napatulog sarili ko.

Anyway..

Siksikan sa LRT. Anong bago dun? Sumabit yung blouse ko sa bakal na naghahati sa daan ng Exit sa Entrance. Punyeta lang. Nakakahiya. Alam mo yung tipong ang dami daming tao sa likod mo, tapos bigla kang napahinto kasi sumabit ung uniform ko mo sa bakal. Yeah yeah.

Tapos nakarating ako school. Tinanong ko si Gray kagabi kung ministop o blue tent. Sabi nya blue tent. So nag-antay ako sa blue tent, nainip ako.. Lumabas ako ng school, pag labas ko nandun sila sa ministop. Yey! 

Soooo, 1st subject. Inaabangan ko pumasok si Kiel at Dolf. Hindi ko pa ksi sila nakikita sa buong sembreak, pwera na lang nung kuhaan ng cards. Maliban dun, wala na. Hindi sila pumasok ng first two subjects. 

Nga pala, mababait yung prof ngayon. Well, mukang mababait. Hindi gano strict. Nakakapagtext pa naman ako ng galaparan habang nagdidiscuss sila. So yeah, para sa’kin ayos yun.

Lunch break. 12nn. 4pm pa next class namin.
Kumain ng lunch tapos pmntang Starbucks para mangolekta ng sticker. Muka kaming tangang naglalakad sabay sabay lahat may hawak na inumin. Lol.

Tapos sympre tagal pa ng break, tumambay lang kami sa 5th floor. Naglaro ng PANTS. (Oo tangina, PANTS hahaha!) tsaka ng cards. Bawal yun. Kaya wag kayo maingay lol. Hanggang sa susunod na klase na.

4pm. Multimedia Design.
MEJO MASAYA! Nagenjoy ako sa seatwork namin kanina. Napaisip ako at nagenjoy at the same time. 

Tapos sympre 1st meeting, maaga kaming dinismiss sa lahat ng subjects. 

Kumain sa Jollibee, nagkwentuhan. Tas nagsiuwian na din.

Ayun, ganun lang ka-plain ang araw ko ngayon. Ineexpect kong mas plain pa at mas boboring pa sa araw araw na sasalubong sa’kin. Susmiyo.  

Kiel, pumasok ka na please. Nag-eemo na si Randolf at Hannah. Nag-eemo na din ako. Nag-eemo na kami. Miss ka na namin!!!!!!!!!!!!!!!!!!

November 2nd
12:33 AM
Via

Peculiar tradition.

akosigeorge:

Sa T’wing papasok ang mga buwan ng September, October, etc… (o ang tinatawag na mga BERmonths) mayroon tayong mga bagay na mapapansin sa ating mga tradition.

Sa buwan ng September dito pumapasok o’ nagsisimula ang pag dedecorate ng karamihan ng mga Christmas decoration, at dito din natin makikita kung gaanong ka eksayted ang mga filipino para sa araw ng pasko.

Kung ating susuriin, kapag tayo’y pumunta sa mga mall sa Pilipinas, sa mga buwan ng October-November makikita natin ang halloween tradition kadalasan sa bawat sulok ng mall ay makikita mo na mayroong mga panakot o kalabasa na naka displey… Ngunit kung ating papansinin ang tugtog sa mall (ambiance) oh ng lugar ay tinig na pang Pasko (Christmas). Kaya minsan ang ibang mga tao ay nalilito kung ang kantang Silent Night ay pang Halloween.

Sa ika-unang araw ng Nobyembre o ang tinatawag na Araw ng mga patay ay isang kaarawan na kung saan ay dumadalaw ang mga Filipino sa puntod ng kanilang mga suma-kabilang buhay na mga kamag-anak (sa madaling salita mga Patay) upang mag bigay respeto… Kung muli nating susuriin ang environment ng mga cementeryo sa kaarawan na ito, at kung baguhan ka sa mga gawaing Pilipino ay maaring masabi mo na, Huwaw!! Parang may Fiesta!! o maari din na Sino may Birthday?? kasi kung atin ngang papansinin ang ginagawa ng karamihang mga pilipino sa kaarawan na ito ay mag si-chibugan sa harap ng pundod ng kanilang lolo’t, lola! at kadalasan may kasama pang inuman at party music, pati kung papansinin mo ang mga pananamit ng mga ibang tao dun, uulitin ko Yung ibang tao dun!! (tama, Hindi Lahat!!) ay kung mag damit ay pang rampa, oh ang tinatawag ng iba na Palong-Palo!! tama na sabihin mo na parang may Party o fiesta doon sa cementeryo.

Sa Buwan na December, ang buwan na kinagigiliwan ng mga Filipino at ang araw na tinataguan ng mga Ninong at Ninang, dahil sa araw ng pasko, na kung saan ang mga kabataan ay binibigyan ng kanilang mga Ninong, at Ninang nga aginaldo (Pera, Memats, Cash, etc..) ika nga sa isang napanood kong palabas na christmas oriented films (sori, nakalimutan ko kung ano yung title nun, ah basta!) ang sabi nga eh “Christmas is about giving, and not receiving”  bihira lang ang mga Pilipino na nag seseryoso nitong line na ito, at alam naman nating lahat na mas okay ang mabigyan. Akin ngang naalala nung ako’y isang musmos pa lang sa kaarawan na ito ay lagi akong pinipilit ng aking Ina’y na mamasko, (if my memory serves me correct) ako’y may escort na kamag-anak o ang aking mahal na Ina’y (na kabisado kung sino ang mga ninong at ninang ko) na samahan ako mamasko upang sure na mabigyan ako ng pera ng aking mga Godfather at para mas sure na hindi sila makapagtago dahil pipilitin ng aking Ina’y na mabigyan ako ng memats, at pagkatapos mamasko ay kukuhain, kukumpiskahin, o uutangin daw ng ating mga nanay ang ating napamaskuhan at ibabalik daw, ayun dahil sa madali tayong ma linlang ng ating mga magulang binibigay naman natin. Kaarawan ng pasko maraming maraming mahihingning pera na pang bili ng pelet-gun, barbie (hindi ako nag lalaro nyan, na type ko lang yan dahil wala akong masabing ibang laruan), robot, at kung ano pa. 

Naaalala ko pa na madalas pa akong binibigyan ng mga malulutong na 500 peso bills noong mga araw ng aking kabataan, sa ngayon ako’y matanda na eh nakakalimutan na ako ng aking mga Ninong at Ninang. :< (Oh well)

Natamaan ako dun sa Party Music! =))
HAHAHAHA Naimagine kitang nagsasalita nito, Kiel. =))

October 18th
11:39 AM

BONGGA!

HAHAHAHAHAHAHA SORRY GAIS. MAHAL NA MAHAL KO KAYO WAG KAYO MAGAGALIT =))))))))))))

Hahahahahahahaha pucha. =)))))))

October 9th
12:32 PM
Via
akosigeorge:

Snape, Snape, Severus Snape. 

TURN TO PAGE THREE HUNDRED AND NINETY FOUR

akosigeorge:

Snape, Snape, Severus Snape. 

TURN TO PAGE THREE HUNDRED AND NINETY FOUR