Hi I'm Ika and I hate a lot of things
Fine Arts major in Viscom
I put all my grudges here
Blog
Kwento
Works

dopehead/s
May 5th
1:48 AM

Memorieeeees lol

Ang sarap sa pakiramdam na tapos na ako sa OJT. Na sa darating na Lunes, hindi na ako gigising ng maaga at hindi ako mahahassle mag-abang ng jeep ng PRC sa may Buendia. Lol

Yun nga lang marami pang bagay na kailangan asikasuhin at pagtuunan ng pansin lalong lalo na’t thesis na ngayong darating na school year.

Pero balik tayo sa OJT. Mamimiss ko yung mga ginagawa namin don. Yung pwesto namin ni Aly sa taas, yung mga pusa, at lalong lalo na yung mga tao dun. Pati na rin yung mga boss. 

Yung tuwing umaga lagi akong late. Pero mas late si Aly. Lol. (pero nung last week maaga na si aly, naks) Tapos aakyat ako. Tapos sasabihin ko kila Kuya “Hi Kuya!” tapos magha-hi din sila.

Tapos soundtrip, storyboard, layout, gawa ng flyers, posters, manipulation, research, concepts etc etc. Tapos by 12:00 magyayaya na si Kuya Rowell maglunch. Tas yayayain niya kami, kaso nahihiya kami kaya di kami sumasabay =)) Pero sumabay kami twice. Okay naman :))

Mamimiss ko rin yung nilalakaran namin everyday. Na sa buhay ko, merong mga araw na lagi-lagi ako dumadaan sa kalyeng yun. Bago, kumbaga. Hindi lang yung usual places na nakikita mo madalas. 

Yung kinakainan namin parati (BINALOT!) tapos pagkatapos namin kumain, dadaan kaming 711 para bumili ng lollipop na may nagpopop pag kinain mo. Lol. Tska ng tubig at kape. (kasi minsan hindi talaga maiwasang hindi antukin)

Summit ang tubig ni Aly. Absolute yung amin ni Hannah. Oha! Hahahaha!

Tapos lagi kaming overtime. Never ata kaming umuwi ng saktong 5. Siguro twice lang sguro. Kaya siguro madali natapos. :))

Tapos yung pag uwian na, may dumadaan na nagtitinda ng fishball, kikiam at squidballs. Tapos bibili kami. Tambay lang kami dun sa kalsada habang kumakain. Tapos yung hassle mag-abang ng jeep (diba aly? hahaha!)

Kung minsan dumadaan kami sa The Collective. Okaya tatambay sa 711 para antayin yung sundo ni Hannah. May time din na nagdinner kami sa Cash and Carry kasi bumili si Hannah ng lalagyan para sa strawberries namin *u* tas tumatambay din kaming Sambrew ;)

Mamimiss ko rin yung bus pauwi. (kasi LRT ako usually eh haha)

Mamimiss ko yung mga araw na ARAW ARAW AKONG NAGLALAKAD SA MAKATI. Na halos makabisado ko na ata yung mga lugar dun =))

Sobrang experience nga ‘tong OJT na ‘to. The best.

Anyway, bakasyon ko na. Sabi nga ni Ms Happy.. “No Pressure. Enjoy the rest of your vacation”

I will!

Thank you, Toolbox Creatives, for giving me a wonderful experience! Maraming salamat rin po kay Sir — sa pagpapalabas sa amin sa aming comfort zone. Marami akong natutunan sa buong experience. Hindi lang yng para sa school, kundi yung para sa buhay tlg. 

(narealize ko rn pala na sa mga nagrereklamo jan kung gano kahirap ang 3D, mahalin niyo na ang 3D, kasi mahirap magperspective pag Photoshop ang gamit. Mano-mano hahahahaha)

(nasanay rin pala ako sa Mac, lol)

Un lang, thank you.

Hello vacation!!!

April 16th
9:22 AM

College

Hindi ko lang alam ah. Siguro sa mga obserbasyon ko lang ‘to. Pero para sa’kin may stages ang bawat lebel sa kolehiyo.

Freshman
Cool ka eh. College ka na. Pasikat ka pa niyan sa mga bago mong blockmates. Pero syempre nag-aadjust ka rin. Hindi ka pa rin makagetover sa saya mo noong Highschool. At inaakala mong may Teen Royalty pa rin at sikat-sikatan sa college. Pero hija, wala na. Maninibago ka. Magttry ka ng mga bago. Pero control pa ng onti.

Sophomore
Para sa’kin ito ang pinakamasayang lebel sa kolehiyo. Siyempre wala pa ring tatalo sa unang taon mo, kasi mababait pa lahat ng blockmates mo kasi plastic pa kayo sa isa’t isa at hindi pa kayo gaano magkakilala at hindi pa kayo gano nag-aaway. Pero para sa’kin, dito mo malalaman ang kulay ng bawat isa. Dito ka matututo makihalubilo talaga. At nandito ang thrill.

Dahil nasubukan mo na magtry ng mga bagong bagay sa unang taon mo, dito mo ito itutuloy. O kung di kaya naman, dito ka maglelevel-up. Halimbawa, party-party kayo noong unang taon, pero hindi ka pwede gaano magpagabi, ngayong ikalawang taon, madalas ka nang gabihin. Kumbaga, sa taon ka na ito mag-eenjoy. Trial and error. Dito mo rin matutunan kung paano ibalance ang bisyo, gala at pag-aaral. Marami-rami ka ring madadaanang problema at kabullshitan sa taon na ito. Pero pag nalampasan mo, masaya pala. May natutunan ka eh. 

Sa taon na ito mo talaga malalaman na natututo ka sa mga sarili mong pagkakamali. o sa mga iyong pinadaanan.

Junior
Ay teh oo junior ka na. At kahit bihasa ka na sa mga kalokohan mo, hindi mo na pwede (pwede pa rin naman siguro) balewalain ang pag-aaral mo kasi nandito na halos lahat ng major subjects. O kung gaya sa amin, nandito kadalasan ang mga subjects na magdadala sa’yo sa huling taon mo. Nandito ang topic proposal para sa thesis mo. At siguro, dahil sa kabalastugan mo noong ikalawang taon, nandito rin ang mga subjects na naibagsak mo noong taon na iyon. At kailangan mo na itong ipasa.

Seryosohan na ‘to. Wala ka nang pakielam sa mga tao sa school mo. Wala ka nang pakielam sa kung sino ang sikat at sa kung sino ang hindi. At mawawalan ka na rin ng pake pag hindi ka nakasama sa inuman niyo ng tropa niyo kasi busy ka na sa pag-aaral. Ito ang time na kailangan mong magfocus. Well hindi naman magfocus talaga. Pwede ka siguro makipaginuman kasama ang mga barkada mo, pero habang umiinom ka eh may hawak kang notebook. (hello, expert ka na eh) Pinakacrucial kumbaga, kasi alam mong pag hindi mo naipasa ng maayos ang ikatatlong taon, mejo mahirap na humabol. 

Senior
Laspag ka na. Period. De, joke lang.
Thesis mo na. Wow. Congrats. Dito mo iaapply ang lahat ng natutunan mo sa kolehiyo. Including yung pagbalance ng bisyo sa pagaaral kasi marami-rami siguro ang mahihithit mong yosi pag stress na stress ka na sa thesis mo. De, joke lang. Malay ko ba, hindi pa naman ako fourth year. Pero yun siguro ang obserbasyon ko. Ang mejo maayos sa taon na ito ay onti na lang ang pagtutuunan mo ng pansin kasi tapos ka na halos sa mga minor subjects mo at halos thesis na lang ang pinoproblema mo. At lubusang wala ka na talagang pakielam sa mundo mo sa eskwela kasi ni tingnan ang kapiligiran ay hindi mo na magagawa sa sobrang busy mo. At, ano nga bang pake mo sa kanila, eh sila bata pa, ikaw ggraduate na. At papasukin mo na ang marahas na mundo sa susunod na taon.

Maaari ring magupitan mo ang buhok mo ng sobrang ikli dahil sa thesis mo. Yey. (base sa mga nakita kong higher batch sa amin)

Madalas na ring nandito sa taon na ito mararamdaman mo lahat ng panghihinayang at kalungkutan sa mga chances na hindi mo kinuha sa mga taon mo sa kolehiyo. Ang mga org na hindi mo sinalihan. O ang mga inuman na hindi mo pinuntahan. O ang mga subjects na hind mo pinagtuunan ng pansin.

At lalong lalo na, ang pinakanakakalungkot sa lahat, ay yung lulubayan mo na yung buhay estudyante mo na hingi-hingi lang ng baon. Pasok. Gawa ng kalokohan. Gagawa ng katinuan. At ang mga blockmates mong kahit mga gago, eh mamimiss mo pa rin. Pati ung mga prof mong kahit terror eh binola-bola mo pa para lang maipasa ka.

Pero maganda rin dito.. sa huling pagmarcha, at paglalakad mo sa eskwelahan na iyon, masasabi mong “shet, nagawa ko lahat yon. saya pala sa college.” tapos magbobow ka sa harap ng maraming tao, at hangang hanga ang magulang at mga kapwa mo estudyante sa iyo. Na lahat kayo, naipasa niyo yon, ng sabay-sabay.

Di lang ang grades ang naipasa, kundi ang BUHAY NG PAGIGING ISANG ESTUDYANTE SA KOLEHIYO, at ang hirap at saya nito.

April 10th
10:35 AM

“When two people are happy together, leave them the fuck alone.”

Now this is what I actually learned from the last four months. And I must say, it made everything better. Though you can’t really conclude that you don’t love the person anymore, leaving them alone starts closure. And by closure, I mean accepting things the way they are, being happy, and being able to proceed to your goddamn life with a big smile on your face.

Not being all spiritual here, but being happy for someone is healthy for the soul. Especially when being happy is the only option for it to fall together.

With my personality, I didn’t actually believe that I could let go of all the grudges as I know myself as a selfish and sensitive human being. But with my busy schedule, true friends, prayers, and love for myself (and bottles and bottles of alcohol), I realized that a person can actually let go and be happy for others. Although sometimes we miss them, it does not necessarily mean that we still want them. It just means that that person had a certain impact on our lives, and it ended. That’s it, and we have to deal with it. Why? Because we only live once. And it’s our choice if we want to hold on, or to let go.

March 30th
10:41 AM

The feeling of not being good enough

Mejo madramang post. Lol. Pero hindi ko siya gagawing ganung kadrama.

Anyway, wala lang. Sobrang sakit lang sa puso malaman na sobrang baba ng grades ko ngayon. As in, yung parang hindi ko na kilala yung sarili ko. Na kung ano nang nangyari sa’kin. Or hindi lang talaga ako ganun kagaling, kung tamad lang ba ako, o pabaya, o lahat.

Yung pakiramdam na, lahat sila nag-iimprove, ikaw hindi. Napagiiwanan ka na. Ganun. Hindi ako nagrarant tungkol sa minor subjects. Tungkol to sa majors.

Alam mo yun. Isa kasi sa mahirap sa course ko eh yung sukatan ng skills.
Ganito kasi yan eh. Kung kagaya sa iba na ang finals niyo eh more on exams, kung bagsak ka, or mababa ang grade mo, maaaring dahil hindi ka lang siguro nag-aral ng mabuti. Or tinamad ka lang, or hindi ka nakinig sa prof mo. Alam mo yun, hindi mo masasabing bobo ang isang tao dahil lang mababa ang grade niya kasi alam mo namang madami pang dahilan diba.

Pero pag yung kagaya nung samin.. na pag pangit ang gawa mo. Or ang plate mo, hindi ibig sabihin nun na tinamad ka. Or pabaya ka. Ibig sabihin nun, hindi ka ganun kagaling. Hindi ko sinasabing hindi ka magaling. Pero hindi ka ganun kagaling. Isa pa yung makikita mo yung gawa nung mga blockmates mo na sobrang ganda.. tapos yung iyo.. alam mo yun. Yung para bang, hindi enough yung skills mo. Kahit practice ka ng practice o kahit inspired ka talaga. Mapapaisip ka na, tama ba ‘tong kinuha kong course? Am I really good enough for this course? Alam mo yun? Ganun. May intimidation. May comparison.

At hindi siya kagaya ng exams na pwede kang mangopya, mangodigo at kung ano pa. Plate siya. Hindi mo pwedeng kopyahin ang gawa ng kaklase mo. Well, pwede, pero hindi mo makokopya na yung tipong parehas kayo ng grade. Baka hindi mo kayanin kopyahin. At hindi talaga pwede kopyahin. Alam mo yun.

Wala lang.. Hindi naman ako OA. Hindi naman ganun kababa yung grades ko. Pero nabababaan lang ako. Kasi hindi ako ganito dati. Or siguro ganun ako dati, nag-improve nga lang yung iba, ako hindi. Alam mo yun.

Parang, napagiiwanan na ako ng panahon. Hindi ko alam. Sakit lang ng puso ko isipin na mababa ako sa majors. Alam ko hindi ako dapat nagkukumpara, pero nabobother kasi ako. Naiinsecure ako. Naiintimidate ako. Hindi ko alam.

Majors plang to ah. MAS SOBRANG BABA KO PA SA MINORS. :(

Anyway, hindi ko sisirain ang araw ko. Tuloy lang ang buhay.

March 28th
8:35 AM

Life is fun?

  • Oo. Sa mga mayayaman at magaganda ang inuuwian sa bawat araw. Sa malambot ang kama at hindi kinakagat ng lamok. Sa nakakapunta kung saan nila gusto pumunta. At nakukuha kung ano ang gusto, at kung ano ang kailangan.
  • Oo. Life is fun sa mga may mapagmahal na pamilya. Sa pamilyang sumusuporta sa mga pangarap mo sa buhay mo. Yung hindi ka pnepressure at hindi hinuhusgahan ang bawat desisyon na ginagawa mo.
  • Oo. Sa may mga totoong kaibigan. Yung umiintindi at tanggap yung ugali mo.
  • Oo. Life is fun kapag positive thinker ka at nagagawa mo ang mga gusto mo sa buhay mo dahil walang tumututol sa’yo.
  • Oo. Pag wala kang sakit. Healthy ka at wala kang kailangang bayaran na gamot. At wala kang kapansanan.
  • Oo. Pag mahal at loyal sayo ang boyfriend/girlfriend mo 
  • Oo. Pag maganda ka, at hindi ka nilalait-lait ng mga tao. Pag tanggap ka sa lipunang ginagalawan mo.
  • Oo. Pag matalino ka at tanggap ka sa mga ina-applyan mong trabaho. Maganda ang records mo sa school at hindi ka barumbado.
  • Oo. Pag hindi ka tamad. At pag pipiliin mong kumilos, kaysa mag-aksaya ng panahon.
  • Oo. Life is fun kapag hindi ka nagugutom, at may sapat na pagkain ka sa isang araw. O kung minsan sobra pa nga.
  • LIFE IS FUN TALAGA

Pero kasi.. Isa, dalawa, o tatlo sa mga nakalista sa taas, maaaring wala sa’yo. Oo, masaya ang buhay. Pero laging may kaduktong yun. “Masaya ang buhay para lang sa mga taong……” ganyan. Ganyan talaga ang realidad. Kagaya ko nlng ah. Masaya ang buhay para sa mga positive thinker, eh pa’no yan.. Hindi ako positive thinker? Mababago ko ba nang ganun kadali yun? Masaya ang buhay, para sa mga matatalino’t mayayaman, pa’no yan? Masaya ang buhay, para sa mga minamahal ng pamilya. Pano kung mayaman ako pero hindi naman ako mahal ng pamilya ko? Alam mo yun. 

Ang katotohanan talaga diyan eh, hindi kailanman magiging masaya ang buhay. Pero pwede kang maging kuntento. Iba siguro ang pagiging masaya sa pagiging kuntento.

Wala lang. Madami kasing nagsasabi.. Halimbawa, sabihin kong “Ptnginang buhay ‘to, lagi na lang ako bagsak, papatayin ako ng magulang ko” tapos sasabihin ng iba “Yung iba nga walang makain eh, rekla-reklamo ka pa jan.” Alam mo yun? Hindi yun yung point eh. Maaaring wala nga silang makain pero, sobrang mahal naman sila ng magulang nila para parusahan sila kung sakali man. Diba? Wala lang.

Puro pagkukumpara.. Laging sinasabing, may ibang mga taong mas matititindi pa ang dinadanas kaysa sayo. Pero ang totoo talaga niyan, pantay-pantay lang ang dinaranas natin. Pare-parehas lang tayong naghihirap. Sa magkaibang aspekto nga lang. Parang yung, pangit ka pero matalino ka. Tapos maganda ka pero bobo ka naman. Patas lang.

Wala lang, yung ibang tao kasi. Kung makapanghusga sa pinagdadaanan ng ibang tao.. Halimbawa nalang. “Puro ka drama! Bat dmo ko gayahin, walang problema” Parang “EH HINDI AKO GANUN EH. Hindi ako kagaya mo eh.” Madalas kasi nating iniisip na kung kaya natin, kayang kaya din ng iba. Pero hindi eh. Pinanganak tayong magkakaiba. Pinanganak tayo sa iisang mundo para magtulong-tulong. Hindi para ikumpara ang buhay ng isa sa isa. 

Wala, naisip ko lang. 

Hindi maaaring lahat ng nakalista sa taas ay nasayo. Ang pwede mo na lang sigurong gawin para sumaya, ay maging kuntento.

March 23rd
12:56 PM

Naisip ko lang

Wala lang.

Kung hindi mo tatanggapin lahat ng pangit sa’yo, pano mo mamahalin nang lubusan ang sarili mo? 
— Okay wala lang. Status ko sa facebook. Lol.

Pero de seryoso. Yung iba kasi diba. Parang naooffend sila pag kunwari sinabing malaki mata nila, ganun. Ako oo tang ina tanggap ko na malaki mata ko eh. Masaya nga pag inaasar ka ng ganun, tapos wala lang sayo eh. Kasi diba, ganun ka eh. Malaki talaga mata ko eh. Ano magagawa ko? Paliitin ko? Pano yon? Forever akong naka-squint? :)) Diba! Parang, bakit ako maooffend kung yun naman yung totoo? (pero hindi naman na siguro natin kailangan ipaglandakan sa mukha ko na malaki mata ko hahahaha)

Sympre iba naman siguro yung asar sa lait. 

Pero ganun din eh. Kung lalaitin ka nila, hayaan mo sila. Ang huwag mo lang hayaan, eh yung magpapaapekto ka. Kasi dun ka matatalo eh. Kung sa umpisa pa lang, tanggap mo na na ganyan ka, wala nang makakahatak sa’yo pababa. Kasi wala namang ibang liligtas sa sarili mo kung hindi ikaw eh. Wala namang taong perfect. Yung iba, magaganda nga, tanga naman. De seryoso. Pero wala na tayo magagawa dun kung ganun na sila eh. Diba?

Kasi.. isipin mo nlng.. kung ikaw naaasar ka sa laki ng mata mo, edi ibig sabihin lahat ng tao kaya kang asarin. Kasi kung ikaw nga mismo naaasar sarili mo eh, sila pa kaya? 

Tandaan mo nlng, na walang taong perfect. At kung ano man ipinangit mo sa ibang bagay, eh babawi naman sa kagandahan sa isang bagay :)

March 8th
11:06 AM

Makabuluhan

Mga bagay na iniisip ko para dumali ang buhay ko:

  • Pag masaya ako ngayon, aasahan ko nang may pangit na mangyayari mamaya, o di kaya naman, bukas. Sa ganung paraan, nakakapaghanda ako at hindi na ako nag-eexpect ng kung anu-ano pang kasiyahan, at hindi rin ako nadidisappoint.
  • Wag ka lang mangarap, tuparin mo.
  • Pag may kahit anong nagbago sa habit mo, wag mong pansinin. Tuloy lang…
  • Dun ka sa taong tanggap at sasaya ka.
  • Tumawa ka ng malakas.
  • Wag mo papakielaman yung trip ng ibang tao.
  • At lalong wag mong papakielaman yung opinyon nila tungkol sa’yo. Kahit pangit pa yan, wala kang pakielam. Opinyon nila yun. Kung gusto mo, kesa mainis ka, edi gumawa ka rin ng pangit na opinyon sa kanila. Kung nagpaapekto sila, sila ang talo.
  • Hayaan mo ang ibang tao maging masaya
  • Kung ayaw mo gawin ang isang bagay dahil tinatamad ka, wag mo muna gawin. 
  • Magpahinga.
  • Mas mabuting magpahinga kesa gumawa ng isang bagay na hindi pinagiisipan dahil sa sobrang pagod
  • Lahat ng nangyayari sayo ngayon, ay resulta ng mga ginawa mo dati.
  • Isipin mo na walang taong mabait, wag ka magexpect ng kabaitan mula sa ibang tao
  • Isipin mo rin na walang taong masama.
  • Gawin mo kung ano ang nagpapasaya sa’yo.
  • MAIKLI LANG ANG BUHAY.
  • Sabi nga nila, life’s too short to wear a bad outfit
  • Wag mong ibase ang kaligayahan mo sa ibang tao.
  • Kailangan mong tanggapin na hindi lahat ng gusto mo eh nasusunod
  • At minsan, lahat ng pinapaghirapan eh napupunta sa wala
  • Isipin mo din, na kahit gano ka man naghirap, may ibang mas deserving kaysa sayo.

Bottomline: Wag kang mag-expect. At wag kang mangielam. Tuloy lang sa daloy ng buhay. Masyadong maikli ang buhay mo para isipin ang buhay ng iba.