Hi I'm Ika and I hate a lot of things
Fine Arts major in Viscom
I put all my grudges here
Blog
Kwento
Works

dopehead/s
May 29th
1:24 AM

We The Kings Live in Manila 2012!! ♥

May 27th
12:20 PM

I’m falling in love with you, Summer 2012

I don’t want this summer to end :(
This is probably the best summer vacation I have had since I started College. 

Summer 2007 & 2008, sobrang enjoy talaga ako. Kasi Summer 2007, doon ako natuto mag-gitara. Tapos doon ko nakilala at naging kaclose yung iba sa barkada ko ngayon dito. Sila Embant, Kuya Og, Angel, Kuya Dice at marami pang iba, kaso yung iba hindi ko na masyadong close ngayon eh. Hahaha. 

Summer 2008 naman sobrang naging close ko si Che. Tapos nagjajamming jamming kami yung as in sa studio talaga. Tapos basta sobrang walang araw na hindi ako masaya. Or walang araw na nababato ako sa bahay.

2009-2011, pumunta nang Davao si Che, kasi dun talaga siya nakatira. Tas 2010 naman umalis si Bibing, pumuntang US. Tska, wala. Nauso Facebook. Lagi na akong nakatengga sa bahay, lagi na lang nakaharap sa computer. Si Tessa naman lumipat na sa Cavite. Pati si Angel. Tapos sila Kuya Dice, Embant at sila Kuya Og hindi na masyadong tumatambay. Bale, nung bakasyon na yun, ang pinaka-alis ko lang siguro eh yung mga lakad kasama yung blockmates at highschool friends ko. Hindi ko masyado nakabond ung mga tropa ko dito :(

Pero ngayong 2012. Tang ina, bumalik silang lahat. Tapos naging close ko rin si Ram. Pinsan nila Embant. Tapos andito na rin ulit sa Pilipinas si Bibing, tatapusin niya college dito. Grabe, sobrang parang, nagbalik lahat. Walang nagbago. Mga siraulo pa rin kami. Mga siraulo pa rin sila. Sobrang close pa rin, ang pinagkaiba lang eh tumanda na kami. Pero ganun pa rin yung samahan. Mas tumibay pa nga ata.

Sobrang saya ko lang. Ayaw ko pa ‘to matapos. :(

May 24th
11:21 AM

Nagpapatugtog ako ng malakas dito sa bahay, tapos biglang sabi ng daddy ko..

“Ka, may bisita ka.”
“Ha?”
“May bisita ka.”
“Ako?”

Tapos lumabas ako. May narinig akong sigaw ng sigaw sa labas ng bahay

“MAY SURPRISE AKO SAYO!!!!” — tapos naanigan ko, dalawang babae.
Si Mik, tska si Porshe! =)))))))))))

Hahahaha! Ngayon nlng ulit kami nagkita hahahaha! Yakapan kami tapos sigawan eh. Parang gago lang. Haha, tapos kwentuhan, tawanan. Napakahabang kwentuhan =)) Saya saya hahahaha! Tawa pa ko ng tawa :)) Mga hayup.

Hahaha! Sa susunod ulit. Sayang, nabitin talaga ko! Hahahaha! Love you guys! 

May 23rd
10:51 AM

May 11, 2012

“Movie Marathon, tara!”

Movie Marathon naka-isang movie lang? Mga chix kasi parating late! =))

Watched Insidious and drank softdrinks with these guys.
Love them. Summer aint complete without these bitches.

Red and White shirts are not planned. Lol srsly. 

May 21st
4:27 AM

Why i love my friends

  • TESSA: Shano ginagalawgaw monitor? (Ano ginagawa mo?)
  • IKA: Nagpuppy tugstugs lungcancer. (Nagpapatugtog lang)
  • TESSA: Cornetto mokong! Dila man langka pako tinalong. Haha (Corny mo! Di man lang ako tinalo. Haha)
  • IKA: Wooooh! Nahirapan ka nga eh! Hahahaha
  • TESSA: Diningding kaya! Kalabasa ka pa. Haha (Di kaya! Asa ka pa)
  • IKA: Demi lovatto mokong alamansa! (Dami mong alam!)
  • TESSA: Shembot! Medyas kanton na akiz. (Ambot! Mejo antok na ko.)
  • IKA: Edu manzano magslippery ka na dawn zulueta! (Edi matulog ka na dun!)
May 18th
12:05 PM

May 18 2012

12:30pm, tumawag si Tessa.

“Ka, san ka?”
“Bahay. Bakit?”
“Sama ka St Scho? Samahan natin si Bibing magsubmit ng requirements.”
“Ngayon na ba?”
“De, bukas pa. Oo ngayon na.”
“Teka dipa ko nagpapaalam. Kagigising ko lang.”
“Ge lang.”

—-

12:45pm, nagtext ako.

 ”Mga chongas. Pinayagan ako. Maliligo na’ko. San na kayo?”

—-

1:00pm

“Nakaligo na’ko. San na kayo?”
“Bahay pa.”
“Okay bihis lang ako.” 

—-

1:15pm

“Game. San kayo?” 

—-

1:30pm

“Oy. Ano na?” ..
“Sama pa ba ko? Sabihin niyo lang. Haha.” 

—-

2:00pm, tumawag na’ko.

“Oy, san kayo? Tuloy pa ba?”
“Oo. Dito lang kami sa Philsca. Text na lang namin kayo pag tapos na ‘to.”
“Sige kita nlng 7-11. Kame? Sinong kame?”
“Sila Bogart. Lahat tayo.” 

—-

2:30pm, tumawag si Tessa

“Cho punta ka na 7-11.”
“Okay okay.” 

—-

Pusang ama. 1:15 pa lang nakaligo nako. Mahigit isang oras akong nagantay! Walangya =)) Tapos, pagdating namin sa 7-11, wala pa yung iba naming kasama. Iniwan na namin. Sunod na lang sila. 3pm na kami nakaalis kakaantay. Mga chix, kalalaking tao =))

Anim nga pala kami. Akala ko nung niyaya nila ko, kaming tatlo lang ni Tessa at Bibing =))

Anyy, pumunta kaming taft, nakita si Kiel. Tapos kumain sa BonChon. Tapos dumerechong MOA. Wala palakad-lakad lang kami dun, tas umuwi na rin pagkatapos ng fireworks.

8pm nakauwi sa bahay. Tumambay. Pinahanginan yung volleyball. Napigtas yung tsinelas ko habang naglalakad. :( Tapos tinakbo ko simula dun sa street na napigtasan hanggang sa bahay. Sobrang nakakahiya talaga =)))))))) Tawa pa ng tawa mga kasama ko :))

Nagvolleyball. Nagsoundtrip. Foodtrip. Tapos mga 11:15pm, umuwi na rin ako.

Sobrang badshot pala ako kay mami ngayon kasi sa text lang ako nagpaalam sa kanya kanina. Sabi niya wag daw ako padilim. Tapos halos hindi niya ako nakita buong araw kasi nasa labas ako. At ngayon ngayon lang ako nakauwi. Huhuhuhu badshot na naman. :(

Anyway. 

Mejj masaya naman :’D Yayy