1:17 AM
Lunes. August 2, 1993
Nagkkwentuhan kami ng nanay ko kagabi.
Tapos nakwento niya sa’kin yung araw na ipapanganak niya na ako.
Panahon daw yun ni Ramos. Tapos laging brownout. Nung araw daw na ipapanganak niya na ako, brownout. Tapos wala daw mga doktor sa hospital malapit sa amin. Eh wala nang oras para makapunta pa sa ibang hospital. Ang tao lang daw dun sa hospital eh dalawang midwife, tapos isang intern.
Tapos nakahiga daw si mami sa hospital bed, kinausap siya ng intern. Pag tingin daw niya sa intern, namukaan niya. “Uy Welcie!” kasamahan daw niya sa choir nung Highschool sila.
“Uy, ako bahala sa’yo ngayon.”
“Sigurado ka jan ah!”
“Oo, kayang kaya ‘to.”
Tapos naglagay daw ng dalawang lampshade sa dalawang gilid ni mami, tapos yun. Idedeliver na ako sa mundo. Lol.
Tapos yung tatay ko daw, panic na panic sa labas ng room kasi takot daw siya. Ipapanganak yung anak mo, walang ilaw, walang kuryente, walang doktor =))))))))) pero nung narinig daw niya yung napakalakas kong iyak, (lakas daw ng iyak ko sabi ng nanay ko eh puta hahahaha) tuwang tuwa daw yung tatay ko. Kasi alam niya okay na si mami. Antaraaaay =)))))
“Ikaw lang yung bata sa hospital nung gabing yon, anak.” — Sabi ng nanay ko kagabi.
Hahahaha wala lang, natawa lang ako. Brownout amp. =))))
Epic.