Hi I'm Ika and I hate a lot of things
Fine Arts major in Viscom
I put all my grudges here
Blog
Kwento
Works

dopehead/s
May 20th
12:03 PM
Created my own list.Let every day be an inspiration. 
—
Nalimutan ko ilagay yung Bacon. Lol

Created my own list.
Let every day be an inspiration. 

Nalimutan ko ilagay yung Bacon. Lol

April 14th
2:16 AM

Some things I learned from our Biology class last semester

  • Kaya matigas ang buto, kasi may calcium. Yung skin, hindi nag-aabsorb ng calcium kaya siya malambot. — kaya pag may taong matigas ang mukha, ibig sabihin madaming calcium ang lecheng pagmumukha niya. Lol
  • Yung pagiging oily ng face ay maganda sa pagmomoisturize ng skin.
  • Bakit kailangan natin ng oxygen? Ginawang example ni sir ang pagsabog ng isang bagay. Para umapoy ang isang bagay, kailangan ng Carbon Dioxide, Oxygen, at Gas. Kumbaga, sa katawan, kailangan ng oxygen para magproduce ng glucose. Tas yung glucose, nagpproduce ng energy na kailangan ng cells natin. No Oxygen -> No Glucose -> No Energy 
  • Bakit pag nageexercise, bumibilis yung hininga? Simple lang. Kasi pag napapagod, nawawalan ng energy, pag nawawalan ng energy, kuha ng kuha ng oxygen yung katawan natin.
  • Ang mata (eyes) sa filipino language ay mata rin sa indonesia. :))
  • Para mapaliit daw ang puson, mas maigi daw kung magcrunches everyday
  • Mas daig ng 45 mins brisk walking ang one hour na jogging sa pagpapayat.
  • Para mas mabilis humaba ang buhok, kumain ng pagkain na maraming protein. At tsaka inom parati ng tubig.
  • Hindi daw totoo na lalaki ang knuckles pag nagpapatunog ka nito. Pero may certain circumstances daw pag tumanda ka na. Like parating nangangalay etc, etc
  • Bakit may tunog ang utot? Inihantulad ito ni sir sa pagsipol. Try mo daw sumipol ng nakanganga. Hindi tutunog. Sympre pag maliit yung butas, tutunog. Kaya pag gusto mo daw umutot ng walang tunog, buksan mo onti yung pwet mo =))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))) 

Etc, etc. 

Pero ang baba ng grade ko dito eh. HAHAHAHA

April 12th
8:43 AM

Sinasabi ko na nga ba malas ako sa araw na ‘to eh.

=)))

Pag minalas ka naman talaga oh..

  • Nadulas ako kanina sa Buendia habang pumapara ng jeep. Hindi lang yung dulas ah. As in yung napaupo talaga ako dun. AT AKO LANG MAGISA.
  • Tas nagkamali ako ng baba. Akala ko dun na ko bababa sa may isang building, pumara ako, malayo pa pala :)) Nilakad ko tuloy :))
  • So late ako, pero 5 mins lang naman :))
  • Mejo napagsabihan kami nung boss kanina. Hindi nung boss namin ha. Yung BOSS talaga. :)) Pero hindi naman yung in a hurtful way. Yung in a nakakatakot way. Hahaha
  • Pero sobrang productive yaaaay!
  • 9 and 1/2 hours kami kanina. So nabawi lahat ng lates ko =))
  • Sobrang daming ginawa, pero grabe!!!!!
  • Unang una, yung computer na pinagamit sa’kin, MAC. Eh bobo ako sa Mac. As in yung sinasabi ko sa isip ko.. “Pano yung right click?” , “Pano to iscroll?” , “Pano toooo” , “Asan yung eject!” , “Asan na yung sinave ko?” , “Hala bat nawala?”  Hahaha
  • Tapossa kinamalas-malasan pa, yung version nung Photoshop na nandun, Photoshop 7. 
  • Tapos walang mouse -____- pero nanghingi ako ng mouse so yun, binigyan ako. =))
  • Tapos nagloloko yung net ko. Sakin lang. Sa iba hindi -_-
  • Hahahahaha pero ayos lang :)
  • May gagawin pa pala kong Stage Design shets
  • So ayun =)) Hahaha
  • Malas ko lang ngayon.
March 28th
5:28 AM

Ngayong bakasyon

Bukod sa OJT, balak ko pagka-abalahan ngayon ang pagdedesign ng shirts ko. Hindi ko ibebenta, wala lang. Magdedesign lang ako para sa tshirt ko kasi self-centered ako eh.

Balak ko din magpaint ulit. (sana may oras at may lugar dito sa bahay lol)

Magfofocus na rin ako ng onti, onti lang naman, para sa thesis ko. Dahil sa buong school ata, kami lang ang individual ang thesis. ATA.

Tapos gusto ko rin magbasa-basa ng magagandang libro.

Naks, dami kong plano eh. Kala mo naman magagawa ko lahat. Pero why not. Sana

March 23rd
1:07 PM

Isang linggong impyerno review

Monday
PhilGoCo finals — Mejo mahirap. Hindi kasi ako nag-aral. La kong notes eh. Haha

Tuesday  
Biology Finals — Taena, hindi ko alam yung isasagot ko leche! 90% hula. Lahat ng nireview ko, or lahat ng nasa notes ko, wala sa exam. Waw ah.
Submission of Viscom’s Tarpaulin Design — Okay naman. Wednesday ako nagpasa pero hindi considered na late. 

Wednesday
Philo Finals — Wala akong nasagot. ESSAY 70 POINTS AMPUTA. Tas hindi ako nagreview. So wala akong maisagot.
Filipino Finals — Madali lang. =)))
Copywriting (fofollow-up yung mga dapat gawin)
Methods of Research (ewanko)

Thursday
Shoot — Nakakapagod pero sobrang saya :)) tapos nagdate kami ni aly after :)

Friday
Pumunta sa mga companies/agencies/studios for OJT. Ang sayaaaa!!!! Lahat ng taong nakasalamuha namin ngayong araw eh mababait. At matulngin. At approachable. Miski taxi driver, traffic enforcer, guard, grabe.. Lahat sila, mababait. :) 

————————-

March 28
Psych Finals 
Submission of Stage Design for 3D

DAMN YOU MINOR SUBJECTS, DAMN YOU. 

March 8th
11:06 AM

Makabuluhan

Mga bagay na iniisip ko para dumali ang buhay ko:

  • Pag masaya ako ngayon, aasahan ko nang may pangit na mangyayari mamaya, o di kaya naman, bukas. Sa ganung paraan, nakakapaghanda ako at hindi na ako nag-eexpect ng kung anu-ano pang kasiyahan, at hindi rin ako nadidisappoint.
  • Wag ka lang mangarap, tuparin mo.
  • Pag may kahit anong nagbago sa habit mo, wag mong pansinin. Tuloy lang…
  • Dun ka sa taong tanggap at sasaya ka.
  • Tumawa ka ng malakas.
  • Wag mo papakielaman yung trip ng ibang tao.
  • At lalong wag mong papakielaman yung opinyon nila tungkol sa’yo. Kahit pangit pa yan, wala kang pakielam. Opinyon nila yun. Kung gusto mo, kesa mainis ka, edi gumawa ka rin ng pangit na opinyon sa kanila. Kung nagpaapekto sila, sila ang talo.
  • Hayaan mo ang ibang tao maging masaya
  • Kung ayaw mo gawin ang isang bagay dahil tinatamad ka, wag mo muna gawin. 
  • Magpahinga.
  • Mas mabuting magpahinga kesa gumawa ng isang bagay na hindi pinagiisipan dahil sa sobrang pagod
  • Lahat ng nangyayari sayo ngayon, ay resulta ng mga ginawa mo dati.
  • Isipin mo na walang taong mabait, wag ka magexpect ng kabaitan mula sa ibang tao
  • Isipin mo rin na walang taong masama.
  • Gawin mo kung ano ang nagpapasaya sa’yo.
  • MAIKLI LANG ANG BUHAY.
  • Sabi nga nila, life’s too short to wear a bad outfit
  • Wag mong ibase ang kaligayahan mo sa ibang tao.
  • Kailangan mong tanggapin na hindi lahat ng gusto mo eh nasusunod
  • At minsan, lahat ng pinapaghirapan eh napupunta sa wala
  • Isipin mo din, na kahit gano ka man naghirap, may ibang mas deserving kaysa sayo.

Bottomline: Wag kang mag-expect. At wag kang mangielam. Tuloy lang sa daloy ng buhay. Masyadong maikli ang buhay mo para isipin ang buhay ng iba.

February 5th
7:14 AM

Valentines Set List

  • I Love You More Today Than Yesterday - Spiral Staircase
  • For Once In My Life - Stevie Wonder
  • Silly Love Songs - Paul McCartney
  • Somebody To Love - Leighton Meester
  • Today Was A Fairytale - Taylor Swift
  • Secret Valentine - We The Kings
  • Anna Maria - We The Kings 
  • Come Around - Rhett Miller (lol) 
  • The First Time Ever I Saw Your Face - Stereophonics
  • The Way You Look Tonight - Michael Buble
  • Hands Down - Dashboard Confessional
  • Every Breath You Take - The Police
  • Beautiful In My Eyes - Joshua Kadison
  • Yellow - Coldplay
  • You and Me - Lifehouse
  • Say It Again - Marie Digby

Trololol. Hindi ako magalign pumili ng masasayang Love Songs. Karamihan ng mga love songs sa playlist ko eh pang sawi. HAHAHA Pero wala lang, pag naririnig ko yang mga kantang yan, couples naaalala ko. :))))

Kayo? Tag me your valentines set list? :) Please?

February 4th
2:13 PM

Great but tiring week

Monday

  • PhilGoCo - Gumawa ng Bill tas idedefend mo sa buong klase mo yung Bill ng group niyo. Hahaha. May sobrang affected sa bill namin nung nagpresent kami. Parang gago lang. Tas tumambay Noriter after class.
  • Ito rin pala yung gabi na hindi ako halos pinatulog kasi iniisip ko kung sasali ako sa OnTheSpotPainting sa UST

Tuesday

  • Psych and Bio. Exempted kami sa quiz sa Psych. Sa Bio, hindi ako nakinig. Lol
  • 4 hours break — Inasikaso namin yung excuse letters namin sa class ng Wednesday. Inayos na din yung form. Pumuntang Buendia para bumili ng canvas, tas pumuntang hardware para sa paint at kahoy. Tapos bumalik ng school para gawin yung canvas. Naubusan ng bala ng gun-tucker. Bumili ng thumbtacks blaaah, bastaaaa.. sobrang pagod tas hindi na rin kami nakapasok sa last class.
  • Nagdinner. Umuwi.

Wednesday

  • Buong araw sa ust. 
  • Masaya eh.
  • Sumabay kay Mik pauwi.
  • Umiyak
  • Umiyak sa nalaman (ok hindi sya tngkol sa love okay)
  • Umiyak ng sobra sobra sobra sobra
  • Nagaabang ng taxi umiiyak mukang tanga lang
  • Tas pagsakay sa taxi umiyak pa lalo
  • Puta nakakahiya
  • Nakauwi. Walang tao sa bahay. Tas sobrang gutom, walang pagkain.
  • Tapos naiyak ako kasi gutom na gutom pagod na pagod ako tapos naiyak ako kasi umiyak ako. 
  • Nagconference kasama iilan sa mga blockmates
  • May kinausap. Umokay.
  • Natulog

Thursday

  • Sobrang sakit ng katawan pag gising
  • Pumuntang SPED Center para mag-assist sa mga prof ko na magtuturo dun. Grabe. Sobrang ganda lang ng experience. Alam ko siraulong tao ako, minsan nagjojoke-joke ako sa budoy budoy na yan. Pero grabe, sobrang nakakatouch, nakakainspire, at nakakamove yung experience dun sa center. (ngayon ko lang to sinabi. pero yun talaga yung narealize ko)
  • Meron dun ang galing magdougie! Tapos ang galing magmold ng clay, tas magaling magdrawing. Yung as in malalaglag talaga yung panga mo.
  • Tumambay saglit sa school.
  • Chineck yung job fair
  • Umuwi.

Friday

  • Presentation sa Philo
  • Filipino
  • Job Fair
  • 3D
  • Photog (30 mins lang)
  • Tumambay sa Blue Tent nanunuod ng practice ng pep squad. *u* ftw!
  • Tapos kumain.
  • Uminom.
  • Uminom pa.
  • Nalasing sila
  • Natulog na yung iba
  • Tas uminom pa rin
  • Tas ayun, pumunta na sa bahay nila maikee
  • HAPPY BDAY MAIKEE!
  • Tas natulog -_- :)

So yun. Daming nangyari. Pinakamarami sigurong nangyaring week sa buwan ng January. K

Wednesday, masaya sana eh. Pero yun. :))

January 29th
10:23 AM

Alam mo yung maliliit na moments sa buhay mo, (or yung simpleng gathering kasama friends) na hinding hindi mo makakalimutan? Na hindi mo alam kung bakit, pero sobrang memorable. Yung moments na hindi ka naman tumawa ng malakas, pero ang saya saya mo?

Well, gusto ko lng maglista nung iilan sa’kin. (sana wala akong malimutan)

  • 1styr college. Yung lagi kaming nakatambay nina Gray at Aly sa Starbucks Torre. tapos paguusapan na namin lahat ng pwede pagusapan. Kahit sobrang random. Hanggang mag-gabi pa minsan. Basta, kaming tatlo.
  • Yung kaming tatlo ni Gray at Tina sa Makati. Yung tumambay kami sa Starbucks din don. Tapos wala lang, sarap lang ng kwentuhan non. Tas sinamahan nila ako magpakulay ng buhok. Tapos yung meryenda namin non sa Glorietta 5. Tas galit pa kaming dalawa ni Gray sa isa naming kaklase non. Lol. Tapos si tina… hehehe.
  • Yung time na nasa Baler kami, tapos mga bandang 5:30pm na. Yung magdidilim na. Basang basa ako kasi kakaahon ko lang sa dagat non, nakabalot ako ng towel. Tapos nagmemeryenda ako ng Spaghetti at may Milkshake pa, pinapanuod ko yung mga kaklase kong naggagaguhan at nagtatakbuhan sa may shore. Tas sobrang hangin, tas wala, nakangiti lang ako. Pinapanuod ko sila.
  • Yung excitement nung Photography class namin. Yung araw na pupunta kaming Greenbelt para panuorin yung WTK, The Maine at Nevershoutnever, tapos after non 12 mdnight yung alis namin papuntang baler. Yung nagbibigay ng instructions si sir na “wag masyadong lumayo”, magingat sa mga alon, ganun ganun. Yung nakakaexcite na “SHET PUPUNTA KAMING BALER MAMAYA!!!” 
  • Yung streotype photoshoot
  • Yung kasama ko kumain si Maikee, Mara at yung mama ni Maikee sa Mang Inasal. tas nanlibre si Tita.
  • Yung kumanta si Dolf ng DAUGHTERS nung debut ni Milan
  • Yung nakapila kami nung dalawa kong kasama nung concert ng Paramore
  • Pag kasama ko si Marj, Jheisha at Jestine.
  • Yung umiinom kami ni Marj ng sobrang lamig na Tanduay Ice sa shore sa bora :))))))
  • Yung naglaro kami ng baraha sa tabing dagat.
  • Yung mine-makeupan ako ni Marj (jusko) sa room namin nung nasa bora. Ewanko kung bakit pero ewan. Ang saya ko non hahahaha!! Pota
  • Yung nasa bus kami ni Jestine galing Greenhills. :’D
  • Yung nag-I HAVE NEVER WHAT na game kami ng HS at College friends ko.
  • Yung tinanggal ni Audrey at ni Jestine yung sapatos ko nung 19th ni Jevi. Kasi lasing na ata ako. :))
  • Yung niyakap ako ni Mik nung nasa La Luz kami. Kasi sa gitna ng inuman, tumaas yung lagnat ko.
  • Pag nagtatawanan kami ni Hannah
  • Yung kinantahan ako ni Randolf at ni Kiel
  • Yung sinayaw ako ni Randolf at ni Kiel nung debut ni Milan!!! HAHAHAHA
  • Yung usapan namin sa ride nung papunta sa debut ni Milan :))
  • Pag nagjajamming kami ni Dolf at Kiel
  • Nung nagjajamming kaming nineteen.
  • Yung tatlo kami nila Mona at Gray last week. Umiinom, tas may fireworks.
  • Yung tatlo kami ni Jheisha at Marj, tapos may fireworks
  • Yung pinanuod ko yung sunrise sa Pansol, Laguna. (tulog pa yung iba kasi mga lasing ata)
  • Yung nasa van kami papuntang Baler. Mga 1am yun. Yung tugtog sa radyo “Biglaan” ng 6-cycle mind. Tapos wala lang, ang chill lang.
  • Tas ung nagising ako ng 3am, nagstopover kami sa Nueva Ecija. Tinanong namin kung ilang oras nlng yung ride. Apat na oras pa daw. Lol
  • Yung galing kami ni Dadi sa Quezon City. Tapos pauwi na kami, yung tugtog sa radyo “How Deep Is Your Love” ng Beegees. Tapos kumakanta kami parehas.
  • Yung paliko-liko magdrive si Willi. Tapos lahat kami na nakasakay sa kotse nya, may tama na :))
  • Yung magagandang soundtrip sa kotse ni Willi. Tapos kumakanta kaming lahat.
  • Yung ride din na kasama ko sila Kiel, Dolf, Willi at Hannah tas pinaguusapan namin yung kwentong “nasa trunk si jesus”. :))
  • Yung ride nung hinatid ako ni Mona at ni Willi sa bahay. Galing Manilart.
  • Yung nagmcdo kami after peace camp (nung 1st year)
  • Yung friday night dinner naming blockmates
  • Yung lahat kami nagchicheer nung intrams pag magshushoot si mara ng bola =))))))))))))
  • Yung napasayaw ako ni Marj at Jhe ng california girls. Putang ina :))
  • Yung first inuman namin ng blockmates ko
  • Yung first inuman namin ng HS friends ko
  • Yung first time kong nakitang magyosi si….. =))
  • Yung inuman naming dalawa ni Marj
  • Yung inuman naming dalawa ni Gray bago magrakenrol (1st time din nyang makakain ng sisig)
  • Yung nalasing si Maikee
  • Yung bumili kami ni Cathy ng parehas na bag
  • Nung 3rd year, yung 1st time ko makasama magmall si cathy na kaming dalawa lang. (tas di pa kami close nun) hahaha
  • Yung first time kong makasama si Audrey, tas close ko agad.
  • Yung time na nagpasundo ako kila Jestine, Jheisha at Audrey sa Santolan station. Yung nakita ko yung mga mukha nila. Naiyak ako tapos niyakap ko sila
  • Pag tinatawag ako ni Rea na “Partner!”
  • Pag nagagaguhan kami kasama si Rea, Mik at Hannah
  • Yung sumabay ako pauwi sa kotse ni Darb
  • Everytime na sumasabay ako kila Hannah pauwi. 
  • Yung pagfold ng paper cranes!!!
  • Yung naglakad ako mag-isa sa overpass Rotonda ng gabi, kita ko streetlights tas nakaearphones ako tas maganda yung music
  • Pag nagmemeryenda at nagcucut kami ni Hannah at Mara sa blue tent.
  • Yung nagyakapan kami ni tina nung birthday ko.
  • Every time na magoovernight kami kila Jestine
  • Yung magttawanan kami ni Audrey
  • EVERY BIRTHDAY NI CATHY AT JEVI. THE BEST
  • Birthday din ni Maikee!
  • Tuwing one on one talk kami ni Mader
  • Yung 1st time namin magovernight ni Aly kila Gray
  • Yung chumill ako kasama si Mona at Willi nung tinulugan ako ni Gray nung nag-away sila ni Mara nung nagovernight kami sa kanila :)))))
  • Yung nasa kubo kami nung Baler tapos may nakaaway kaming mga lalaki don, to the rescue sila dolf. =))
  • Yung naglaro kami ng truth or dare sa baler. Sa may shore. Tas dinare namin yung prof namin sumigaw ng “PENIS!!!” tapos ginawa nya.
  • Yung nagbabasa ako ng libro habang inaantay si Marj. Kasama ko si dolf, tina at fer. 

UGHHHHHH ang damiiiiiii. :)) pero sobrang kulang pa. Grabe. Nilagay ko lang kung ano yung pumasok sa isip ko ngayon. Pero siguro itutuloy ko pa ‘to.

Gusto ko lang ilagay dito para pag nabasa ko, maaalala ko ulit. At babalik-balikan ko. Mahirap na, baka mauntog ako, malimutan ko yan lahat. Loljk.

Pero ayun. Wala lang. Ang saya :)) Isasama ko yung pagsusulat nito sa listahan ko :))