2:42 PM
2:42 PM
11:45 AM
Wag mag-gugupit ng bangs nang basa ang buhok.
Sumobra sa ikli yung gupit ko. Mukha akong batang nagdadrugs.
Pangalawa, nag-aadik pala ako ngayon kaya ganyan kaitim yung mata ko.
Nag-aadik.. sa pag-ibig.
5:30 AM
10:42 AM
Summer 2012: My Bitch
So ang nangyayari sa’kin sa mga nagdaang araw ay walang katapusang volleyball.
Grabe. Sobrang namiss ko ‘tong sport na ‘to. Hindi na kasi ako masyadong nakapaglaro kasi naging busy nung 3rd year. Kaya ngayon nilulubos ko yung bakasyon ko para magpapawis at magsaya. Masaya kasi halos lahat kami sa tropa marunong. At hindi lang marunong, halos lahat, magaling.
Anyway, noong una hindi ko ineexpect na magiging ganto kasaya yung bakasyon ko. Actually mas naging masaya pa nga siya kaysa nung bakasyon last year eh. Kasi dati iniisip ko, puro OJT at thesis lang aatupagin ko. Pero buti nlng pala maaga nagumpisa ang OJT ko at maaga ring natapos kaya naeenjoy ko pa.
Sobrang nilulubos ko talaga ang bakasyon ko at puro ako gala. Ang saya lang. Tapos nakikita ko pa rin yung mga kaklase ko. Nakikita ko pa rin yung mga HS friends ko. Tapos nakakasama ko pa rin yung mga barkada ko dito. Nakakatuwa kung iisipin, nahahati ko nang maayos yung oras ko.
Tapos ngayong week, ineexpect ko na magiging boring kasi tapos na OJT. Pero hindi. Araw-araw may ginagawa ako.
Gaya nlng nung
Monday — Volleyball, Badminton.
Tuesday — bumisita yung isa kong kaklase, niyaya ako magMOA, tapos dumerecho ako sa greenbelt para makipagkita sa isa ko namang kaklase. Tapos pagkatapos non, dumerecho ako sa bahay ng tropa ko dito samin kasi birthday niya. Ayun. Ang saya. Basag ako.
Wednesday — Pumuntang Taft kasi sinamahan ko yung tropa ko dito sa interview niya sa St Scho. Apat kami. Nagaantay at naggagaguhan lang kami sa Mcdo habang inaantay yung iniinterview. =)) tapos nung natapos, humiwalay ako sakanila, dumerecho ako sa bahay nung kaklase ko tapos doon naman ako tumambay.
Thursday — Pumunta dito sa bahay sila Dolf at Gray. Tapos nung nakauwi sila, tumambay ako dito samin. Nagpadeliver ng Mcdo si Kuya Og tapos nagfoodtrip kami. Jamming. Badminton. Kwentuhan.
Friday (kanina) — Nagmovie Marathon kami sa bahay nung isa kong barkada dito samin. Tapos bumili sila ng dalawang box ng Tanduay Ice. Mejo marami kami kaya hindi kami nahirapan maubos. Sobrang tawa ako ng tawa kahit horror yung pinapanuod namin. Mukang gago kasi sila. Tas nung matapos, nilabas namin yung mesa tapos dun kami sa labas uminom. Maya maya nilabas na rin ung volleyball tapos naglaro. Grabe parang tournament lang. Sobrang ganda talaga ng labaaaaaaaan!!!! Ang saya saya saya saya sayaaaaaa. :))
Tapos, bukas, sabado. Birthday celebration ni Jheisha. Papainom ata siya. Overnight kami sa bahay nung kaklase ko nung HS. Tapos mothers day kinabukasan, Sunday. So ppunta dito yung mga pinsan ko. Pati yung mga tito at tita ko. Usually kc ganun pag Sunday.
So ayuuuun :”D
Tapos hindi ko pa nakkwnto yung last week at last last week. Sobrang saya din. (may ojt pa ako nun) pero ang saya talagaaaaa hahahaha
Sana next week ganto ulit kasaya. At sa buong summer ko! Sa buong buhay ko :) Hahahahahaha.
Thanks friends!!
1:51 AM
9:22 AM
College
Hindi ko lang alam ah. Siguro sa mga obserbasyon ko lang ‘to. Pero para sa’kin may stages ang bawat lebel sa kolehiyo.
Freshman
Cool ka eh. College ka na. Pasikat ka pa niyan sa mga bago mong blockmates. Pero syempre nag-aadjust ka rin. Hindi ka pa rin makagetover sa saya mo noong Highschool. At inaakala mong may Teen Royalty pa rin at sikat-sikatan sa college. Pero hija, wala na. Maninibago ka. Magttry ka ng mga bago. Pero control pa ng onti.
Sophomore
Para sa’kin ito ang pinakamasayang lebel sa kolehiyo. Siyempre wala pa ring tatalo sa unang taon mo, kasi mababait pa lahat ng blockmates mo kasi plastic pa kayo sa isa’t isa at hindi pa kayo gaano magkakilala at hindi pa kayo gano nag-aaway. Pero para sa’kin, dito mo malalaman ang kulay ng bawat isa. Dito ka matututo makihalubilo talaga. At nandito ang thrill.
Dahil nasubukan mo na magtry ng mga bagong bagay sa unang taon mo, dito mo ito itutuloy. O kung di kaya naman, dito ka maglelevel-up. Halimbawa, party-party kayo noong unang taon, pero hindi ka pwede gaano magpagabi, ngayong ikalawang taon, madalas ka nang gabihin. Kumbaga, sa taon ka na ito mag-eenjoy. Trial and error. Dito mo rin matutunan kung paano ibalance ang bisyo, gala at pag-aaral. Marami-rami ka ring madadaanang problema at kabullshitan sa taon na ito. Pero pag nalampasan mo, masaya pala. May natutunan ka eh.
Sa taon na ito mo talaga malalaman na natututo ka sa mga sarili mong pagkakamali. o sa mga iyong pinadaanan.
Junior
Ay teh oo junior ka na. At kahit bihasa ka na sa mga kalokohan mo, hindi mo na pwede (pwede pa rin naman siguro) balewalain ang pag-aaral mo kasi nandito na halos lahat ng major subjects. O kung gaya sa amin, nandito kadalasan ang mga subjects na magdadala sa’yo sa huling taon mo. Nandito ang topic proposal para sa thesis mo. At siguro, dahil sa kabalastugan mo noong ikalawang taon, nandito rin ang mga subjects na naibagsak mo noong taon na iyon. At kailangan mo na itong ipasa.
Seryosohan na ‘to. Wala ka nang pakielam sa mga tao sa school mo. Wala ka nang pakielam sa kung sino ang sikat at sa kung sino ang hindi. At mawawalan ka na rin ng pake pag hindi ka nakasama sa inuman niyo ng tropa niyo kasi busy ka na sa pag-aaral. Ito ang time na kailangan mong magfocus. Well hindi naman magfocus talaga. Pwede ka siguro makipaginuman kasama ang mga barkada mo, pero habang umiinom ka eh may hawak kang notebook. (hello, expert ka na eh) Pinakacrucial kumbaga, kasi alam mong pag hindi mo naipasa ng maayos ang ikatatlong taon, mejo mahirap na humabol.
Senior
Laspag ka na. Period. De, joke lang.
Thesis mo na. Wow. Congrats. Dito mo iaapply ang lahat ng natutunan mo sa kolehiyo. Including yung pagbalance ng bisyo sa pagaaral kasi marami-rami siguro ang mahihithit mong yosi pag stress na stress ka na sa thesis mo. De, joke lang. Malay ko ba, hindi pa naman ako fourth year. Pero yun siguro ang obserbasyon ko. Ang mejo maayos sa taon na ito ay onti na lang ang pagtutuunan mo ng pansin kasi tapos ka na halos sa mga minor subjects mo at halos thesis na lang ang pinoproblema mo. At lubusang wala ka na talagang pakielam sa mundo mo sa eskwela kasi ni tingnan ang kapiligiran ay hindi mo na magagawa sa sobrang busy mo. At, ano nga bang pake mo sa kanila, eh sila bata pa, ikaw ggraduate na. At papasukin mo na ang marahas na mundo sa susunod na taon.
Maaari ring magupitan mo ang buhok mo ng sobrang ikli dahil sa thesis mo. Yey. (base sa mga nakita kong higher batch sa amin)
Madalas na ring nandito sa taon na ito mararamdaman mo lahat ng panghihinayang at kalungkutan sa mga chances na hindi mo kinuha sa mga taon mo sa kolehiyo. Ang mga org na hindi mo sinalihan. O ang mga inuman na hindi mo pinuntahan. O ang mga subjects na hind mo pinagtuunan ng pansin.
At lalong lalo na, ang pinakanakakalungkot sa lahat, ay yung lulubayan mo na yung buhay estudyante mo na hingi-hingi lang ng baon. Pasok. Gawa ng kalokohan. Gagawa ng katinuan. At ang mga blockmates mong kahit mga gago, eh mamimiss mo pa rin. Pati ung mga prof mong kahit terror eh binola-bola mo pa para lang maipasa ka.
Pero maganda rin dito.. sa huling pagmarcha, at paglalakad mo sa eskwelahan na iyon, masasabi mong “shet, nagawa ko lahat yon. saya pala sa college.” tapos magbobow ka sa harap ng maraming tao, at hangang hanga ang magulang at mga kapwa mo estudyante sa iyo. Na lahat kayo, naipasa niyo yon, ng sabay-sabay.
Di lang ang grades ang naipasa, kundi ang BUHAY NG PAGIGING ISANG ESTUDYANTE SA KOLEHIYO, at ang hirap at saya nito.
I was actually really surprised by what I can give up to get what I want.
Not in a deeper sense but.. just last night I discovered that WTK’s going back to Manila this May 28 and I really really really want to see them play live and up close. Because the last time they went here, Feb 2011, they were like little band of ants from where we were standing. And not only that they played last, also, my feet couldn’t take any more pain because I’ve been tip-toe-ing the whole time.
So I decided the next time they will visit the Philippines, I would do anything just to see them up close lol.
Anyway, I don’t have money. But I gave up my allowance for this week just to buy tickets. And I plan on going to Eastwood on Wednesday to be one of the first 150 buyers so that the price of the ticket wouldn’t be that expensive. (And yes that means I’ll have to give up several hours from my OJT)
I also think that buying tickets as early as now wouldn’t be much of a problem in the future, because that means I will have enough time to save money for We Are The In Crowd which is on June 2. (I just don’t think my mom would want me to go because it’s my nephew’s 1st birthday celebration, and I want to be there too lol)
I feel so bad though, because there are much more bands/artists i love that already performed here in Manila and I didn’t have the chance to go because I didn’t have the time and effort to save money. /regrets — INCUBUS, Maroon 5, The Maine, The Script, Cranberries, Taking Back Sunday, John Mayer, etc and also, on May, Lady Gaga.
ARTTM, I wanted to go because it’s free but my mom wouldn’t let me. (Yes, hindi rin naman ako pinapayagan minsan)
Sooooooo, PLEASE PLEASE PLEASE LET ME GET WHAT I WANT THIS TIME


