Hi I'm Ika and I hate a lot of things
Fine Arts major in Viscom
I put all my grudges here
Blog
Kwento
Works

dopehead/s
January 29th
10:23 AM

Alam mo yung maliliit na moments sa buhay mo, (or yung simpleng gathering kasama friends) na hinding hindi mo makakalimutan? Na hindi mo alam kung bakit, pero sobrang memorable. Yung moments na hindi ka naman tumawa ng malakas, pero ang saya saya mo?

Well, gusto ko lng maglista nung iilan sa’kin. (sana wala akong malimutan)

  • 1styr college. Yung lagi kaming nakatambay nina Gray at Aly sa Starbucks Torre. tapos paguusapan na namin lahat ng pwede pagusapan. Kahit sobrang random. Hanggang mag-gabi pa minsan. Basta, kaming tatlo.
  • Yung kaming tatlo ni Gray at Tina sa Makati. Yung tumambay kami sa Starbucks din don. Tapos wala lang, sarap lang ng kwentuhan non. Tas sinamahan nila ako magpakulay ng buhok. Tapos yung meryenda namin non sa Glorietta 5. Tas galit pa kaming dalawa ni Gray sa isa naming kaklase non. Lol. Tapos si tina… hehehe.
  • Yung time na nasa Baler kami, tapos mga bandang 5:30pm na. Yung magdidilim na. Basang basa ako kasi kakaahon ko lang sa dagat non, nakabalot ako ng towel. Tapos nagmemeryenda ako ng Spaghetti at may Milkshake pa, pinapanuod ko yung mga kaklase kong naggagaguhan at nagtatakbuhan sa may shore. Tas sobrang hangin, tas wala, nakangiti lang ako. Pinapanuod ko sila.
  • Yung excitement nung Photography class namin. Yung araw na pupunta kaming Greenbelt para panuorin yung WTK, The Maine at Nevershoutnever, tapos after non 12 mdnight yung alis namin papuntang baler. Yung nagbibigay ng instructions si sir na “wag masyadong lumayo”, magingat sa mga alon, ganun ganun. Yung nakakaexcite na “SHET PUPUNTA KAMING BALER MAMAYA!!!” 
  • Yung streotype photoshoot
  • Yung kasama ko kumain si Maikee, Mara at yung mama ni Maikee sa Mang Inasal. tas nanlibre si Tita.
  • Yung kumanta si Dolf ng DAUGHTERS nung debut ni Milan
  • Yung nakapila kami nung dalawa kong kasama nung concert ng Paramore
  • Pag kasama ko si Marj, Jheisha at Jestine.
  • Yung umiinom kami ni Marj ng sobrang lamig na Tanduay Ice sa shore sa bora :))))))
  • Yung naglaro kami ng baraha sa tabing dagat.
  • Yung mine-makeupan ako ni Marj (jusko) sa room namin nung nasa bora. Ewanko kung bakit pero ewan. Ang saya ko non hahahaha!! Pota
  • Yung nasa bus kami ni Jestine galing Greenhills. :’D
  • Yung nag-I HAVE NEVER WHAT na game kami ng HS at College friends ko.
  • Yung tinanggal ni Audrey at ni Jestine yung sapatos ko nung 19th ni Jevi. Kasi lasing na ata ako. :))
  • Yung niyakap ako ni Mik nung nasa La Luz kami. Kasi sa gitna ng inuman, tumaas yung lagnat ko.
  • Pag nagtatawanan kami ni Hannah
  • Yung kinantahan ako ni Randolf at ni Kiel
  • Yung sinayaw ako ni Randolf at ni Kiel nung debut ni Milan!!! HAHAHAHA
  • Yung usapan namin sa ride nung papunta sa debut ni Milan :))
  • Pag nagjajamming kami ni Dolf at Kiel
  • Nung nagjajamming kaming nineteen.
  • Yung tatlo kami nila Mona at Gray last week. Umiinom, tas may fireworks.
  • Yung tatlo kami ni Jheisha at Marj, tapos may fireworks
  • Yung pinanuod ko yung sunrise sa Pansol, Laguna. (tulog pa yung iba kasi mga lasing ata)
  • Yung nasa van kami papuntang Baler. Mga 1am yun. Yung tugtog sa radyo “Biglaan” ng 6-cycle mind. Tapos wala lang, ang chill lang.
  • Tas ung nagising ako ng 3am, nagstopover kami sa Nueva Ecija. Tinanong namin kung ilang oras nlng yung ride. Apat na oras pa daw. Lol
  • Yung galing kami ni Dadi sa Quezon City. Tapos pauwi na kami, yung tugtog sa radyo “How Deep Is Your Love” ng Beegees. Tapos kumakanta kami parehas.
  • Yung paliko-liko magdrive si Willi. Tapos lahat kami na nakasakay sa kotse nya, may tama na :))
  • Yung magagandang soundtrip sa kotse ni Willi. Tapos kumakanta kaming lahat.
  • Yung ride din na kasama ko sila Kiel, Dolf, Willi at Hannah tas pinaguusapan namin yung kwentong “nasa trunk si jesus”. :))
  • Yung ride nung hinatid ako ni Mona at ni Willi sa bahay. Galing Manilart.
  • Yung nagmcdo kami after peace camp (nung 1st year)
  • Yung friday night dinner naming blockmates
  • Yung lahat kami nagchicheer nung intrams pag magshushoot si mara ng bola =))))))))))))
  • Yung napasayaw ako ni Marj at Jhe ng california girls. Putang ina :))
  • Yung first inuman namin ng blockmates ko
  • Yung first inuman namin ng HS friends ko
  • Yung first time kong nakitang magyosi si….. =))
  • Yung inuman naming dalawa ni Marj
  • Yung inuman naming dalawa ni Gray bago magrakenrol (1st time din nyang makakain ng sisig)
  • Yung nalasing si Maikee
  • Yung bumili kami ni Cathy ng parehas na bag
  • Nung 3rd year, yung 1st time ko makasama magmall si cathy na kaming dalawa lang. (tas di pa kami close nun) hahaha
  • Yung first time kong makasama si Audrey, tas close ko agad.
  • Yung time na nagpasundo ako kila Jestine, Jheisha at Audrey sa Santolan station. Yung nakita ko yung mga mukha nila. Naiyak ako tapos niyakap ko sila
  • Pag tinatawag ako ni Rea na “Partner!”
  • Pag nagagaguhan kami kasama si Rea, Mik at Hannah
  • Yung sumabay ako pauwi sa kotse ni Darb
  • Everytime na sumasabay ako kila Hannah pauwi. 
  • Yung pagfold ng paper cranes!!!
  • Yung naglakad ako mag-isa sa overpass Rotonda ng gabi, kita ko streetlights tas nakaearphones ako tas maganda yung music
  • Pag nagmemeryenda at nagcucut kami ni Hannah at Mara sa blue tent.
  • Yung nagyakapan kami ni tina nung birthday ko.
  • Every time na magoovernight kami kila Jestine
  • Yung magttawanan kami ni Audrey
  • EVERY BIRTHDAY NI CATHY AT JEVI. THE BEST
  • Birthday din ni Maikee!
  • Tuwing one on one talk kami ni Mader
  • Yung 1st time namin magovernight ni Aly kila Gray
  • Yung chumill ako kasama si Mona at Willi nung tinulugan ako ni Gray nung nag-away sila ni Mara nung nagovernight kami sa kanila :)))))
  • Yung nasa kubo kami nung Baler tapos may nakaaway kaming mga lalaki don, to the rescue sila dolf. =))
  • Yung naglaro kami ng truth or dare sa baler. Sa may shore. Tas dinare namin yung prof namin sumigaw ng “PENIS!!!” tapos ginawa nya.
  • Yung nagbabasa ako ng libro habang inaantay si Marj. Kasama ko si dolf, tina at fer. 

UGHHHHHH ang damiiiiiii. :)) pero sobrang kulang pa. Grabe. Nilagay ko lang kung ano yung pumasok sa isip ko ngayon. Pero siguro itutuloy ko pa ‘to.

Gusto ko lang ilagay dito para pag nabasa ko, maaalala ko ulit. At babalik-balikan ko. Mahirap na, baka mauntog ako, malimutan ko yan lahat. Loljk.

Pero ayun. Wala lang. Ang saya :)) Isasama ko yung pagsusulat nito sa listahan ko :))

January 21st
8:16 AM

Kung masaya ka naman na sa mga kaibigan mo, bakit kelangan mo pa ng love life? :)

December 31st
9:55 AM

Hello friends

Cheers for all the difficulties.
Cheers for the good times and bad times.
Cheers for all the issues.
Cheers for the bonding.
Get drunk for all the love and the hate.
Get high for all that has been shared, and not shared.

And most of all, cheers for another year of being together.

Despite all the pissed out moments, the hatred, the jealousy, the exchange of foul words and the issues.. We still manage to stay friends in the end. And I hope it’ll be the same for the coming years. I love you guys, alam niyo yan. >:D<

Happy 2012!

October 27th
2:56 AM

Hello

Parang summer. Nakakabato.

Ang init. Gutom pa’ko.
Kahapon pa ko hindi kumakain ng maayos. Ayaw ko kasi ng ulam lol.
Gusto ko ng Crispy Chicken -___- Gusto ko rin ng fries, gusto ko din ng cheesecake.

Huhu.
Pupunta pala si Jestine dito mamaya.
Tagal nya. Hahahaha lol hi jestine!

K.

August 24th
9:48 AM

Blckshts

A- day!!!!!!

Badtrip ako kaninang videography class kasi sobrang sakit ng ulo ko at wala ako sa mood. Andun na naman yung feeling na parang gusto ko sapakin lahat ng tao. Lol :))

Tas ayun, pero may plano kami na magkikita kami ng isa ko pang set ng friends nung highschool. June ko pa sila last na nakasama ata. :)) So ayon. Excited ako na ewan kanina. Eh taena, ang tatagal pa pala ng labasan nila! :)) Tas naulan pa. So akala ko hindi magiging maganda yung pagkikita namin kasi ang tagal nga nila :))

Pero ayun. Una kaming nagkita ni Scar. :)) Pagkalakad na pagkalakad namin, biglang pulupot agad yung kamay nya sa kamay ko. Biglang sabi “Idol namiss kita! Excited na ko!” tapos naglakad kami hanggang Tokyo kasi andun si Agnes. Eh umuulan, tinanong ko kung gusto ba nya magpayong, wag na daw. Pero nilabas ko payong ko kasi lumakas yung ulan :)) Pagkabukas ko biglang kapit sa kamay kong hawak yung payong :)) pota, wag daw magpayong amp :)) 

Tapos ayun pmntang Noriter, tas dumating na si Jestine, tas dumating na din si Milai :)) Dafuqq, sobrang tawa lang ako ng tawa ng tawa ng tawa ng tawa ng tawa ng tawa kanina!! :)) Lahat yon dahil sa kasabawan ng isa samin :)) Leche! :)) Sakit sa tyan. Hinahampas ko na ata yung mesa dun sa sobrang tawa ko kanina! :))))

Ang saya longs, namiss ko sila. Wagas. Tapos kwento, tapos tawa, tapos kwentuhan ulit, asaran.. ganyan :))

Tas nagdinner sa Tropical, mga limang oras sguro kaming mgkakasama. Sobrang bitin. Balak nga namin kanina wag na umuwi, or magpagabi na lang na as in gabi talaga. Kaso kelangan na umuwi ni Agnes kasi finals nila :))

Pero sobrang bitin talaga kanina!! Sana maulit!!!! Sana Next week ulit!!!!!!!!! Kung pwede lang icut ni Milai yung subjects nya every wednesday, dadayo daw talaga sya. Kaso hindi daw pwede eh.

Ughhhh sana maulit. Ang saya lang talaga kaninaaa. Namiss ko sila sagad.

I love you guysssssssssss!! Next time, kumpleto na. Ha? :D

May 26th
4:17 AM

May 26, 2011

So gumising ako kanina sobrang sakit lang ng katawan ko. Balak ko na nga na bukas na lang ako mag-eenroll. Kaso wala na akong kasabay non, and nagpalate pa naman si daddy para lang mahatid ako sa school so yeah, bumangon na ko’t naligo. Lamig ng tubig.

Pagdating sa school, wala pakong kasama. Tagal kase nung isa jan eh. (eherm haha jk) tapos ayon, Nag-enroll na ako. Buti na lang dumating si Maikee. Nagbreakfast sa Jollibee tas dumating na rin si Gray.

Tumambay onti tas nagpamedical na kami ni Gray. Natuwa naman ako walang problema sa ngipin ko, yun nga lang may problema sa mata ko. 20 40 na yung vision ko. Pinagalitan ako ni mami nung sinabi ko sa kanya. Puro daw kasi ako computer.

Tas after ng medical, inantay namin si Aly para sa ID picture taking. Yes! Bago na muka namin sa ID. Iba na daw kasi muka namin nung 1st year ngayong 3rd year. Ayon, tangina ang pangit ko pa rin sa ID ko :|

Tapos, kumain kami sa KFC. Yay doubledown \:D/ ang sarap lang with rice. Shet! Tapos umuwi na sila Aly, bumalik akong school para puntahan si Jestine. Nagpamedical din kasi yung kapatid nya.

Tas nagtext si Dolf.

“San ka?”
“Ikaw san ka? Balik akong school. Puntahan ko HS friend ko.” 
“Stone tables. Ngayon na? Mamaya na, samahan mo muna ko wala ko kasama.” 

Eh sakto naglalakad na ko nun. Pinuntahan ko si Jestine tas pinuntahan namin si Dolf. Okay naman. Nagtatawanan din naman sila :)) Akalain mong nagsasalita pala si Dolf kahit may ibang tao =)) So ayon..

Mga 1:30 umalis na din sila Jestine. Eh hanggang 4 pa dun si Dolf, walang kasama. Maya na daw ako umuwi edi okay. Tinext namin si Maikee kasi nasa school pa. Mga 2 dumating sya, nagpaphotocopy kami sa labas, tapos balik School. Bumili si Dolf ng makakain sa ministop.

AT DAPAT AALIS NA AKO NG 2:15. Nako! 

“3 ka na umalis.”

Ang bait ko kasi eh. Diba. Ayon alas tres na ako umalis.
Jusko 2:59 na, ayaw pa ko paalisin. May 1 minute pa daw =)))) King ina =))))

Anyway, saktong 3 ako umalis. Tas pagdating dito sa bahay, tumawag si mami.

“San ka na?”
“Bahay na po.”
“Osige, papacheck up natin yang mata mo ah. Agad agad. Titingnan natin baka ma-correct pa yan. TUMIGIL KA SA KAKACOMPUTER MO HA.
“Opo!”
“Osige na, bbye.”
“Bbye.”

Uggggh, patay ako pag nahuli pa ako nun dito pagdating nya. Panigurado rin pala na hindi nya ako papayagan magpuyat mamaya. Well may laptop naman sa taas. Pero magagalit talaga yon. Hindi raw ako nakikinig sknya O____O

Mahaba-habang sermon mamaya.

Anywaaaay, whattup. 

May 23rd
1:34 PM

Worst fight with my Best Friend so far

Kung saka sakali lang naman na gusto mo siya kilalanin.

So last week pumunta kaming bora. Last night namin dun nung thursday. So plano namin wala nang tulugan. 11 kaming magkakasama. Pumunta kami sa isang place dun na may sayawan (yung iba kasi inuman lang, dun may sayawan. okay hahaha) edi yon tapos lahat kami ata non eh nabasag. 

After namin ibigay yung cake nung may birthday, bumili pa sila ng tower. Tapos nagpasama ako sa bestfriend ko bumili ng yosi. Hindi sya naninigarilyo pero sinamahan nya ako. Mejj malayo-layo pa yung binilhan namin. Tas humingi sya. Edi nagtaka ako. Edi ako naman tong si basag rin, binigyan naman sya. (pero i swear kung nasa matinong pagiisip lng talaga ako nun…) tapos edi yun bumalik na kami. 

..tas edi yon naubos na yung tower, tapos humihingi sya ng yosi. Eh wala na. Edi sabi ko wala na.. Eh may guy don, binigyan sya. Tapos nakita nung guard, bawal daw magyosi dun. Edi umalis kami. Lima kaming nagsasayaw nun eh. Tapos ako pmnta ako sa table namin. Na akala ko naman eh nakasunod sila. Pag tingin ko sa likod ko, wala sila edi hinayaan ko lang. Inisip ko baka magkakasama na. Pnuntahan ko yung isa naming kasama sa table. Tas sabi nya tara na daw, balik na daw ng hotel. Edi parang ako, sige.

Tapos nung lumabas na kami, yung iba naming kasama, andun na lahat. Yung bestfriend ko nawawala. Edi akala ko nagsasayaw lang or nag-cr, hinanap ko.. Wala. Hinanap ko sa table, wala. Lumabas ako sa kabilang side nung bar, may sabi ba naman sakin “Hi miss. Sama ka na.” king ina, wala masyadong matinong tao dun, pero hinahanap ko pa rin sya. Wala sya dun. Hinanap ko ulit sa mga nagsasayaw, pati dun sa binigyan sya ng yosi, hnahanap na rin sya nung mga iba naming kasama.

Tapos inaway ko yung isa kong friend kasi sya yung huling kasama, tinanong ko bat nawawala. Sigawan kami dun sa labas. Tapos since basag nga ako sabi sakin nung isa nambabanta daw ako. :))))) na pag hindi daw sya nahanap papatay ako ng tao. Ewanko, hindi ko maalala yun eh. 

Anyway, ayun. Hindi ko sya mahanap. Naiiyak na ako. Kase iniisip ko baka marape sya. O______O sinisisi ko sarili ko, iniisip ko shet baka naghanap yon ng yosi or ng kung ano man. Kasalanan ko to eh. Ganun ganun. Tas umiyak na ako. Niyakap ako nung may birthday. Tas maya-maya dumating na yung bestfriend ko. Kasama pala nya yung isa naming kasama. Tas nakita nya ako naiyak. Ang OA ko daw. Ang drama daw namin. ganun ganun. Edi sympre parang ako.. TANGINA HINANAP NA NGA KITA KUNG SAN SAN EH!!!!!!!!! Hahahahahaaha!

Edi umalis ako. Todo walkout kala mo teleserye eh. Tangina. Hanggang sa nakarating sa hotel hindi ko talaga sya kinakausap. Tingnan ko daw sya sa mata, sorry daw. Wag na daw ako magalit. Sabi ko naman hindi ako galit. Sabi nya “alam ko pag galit ka, tingnan mo ako.” tas tumingin ako sknya, sabi nya “tsk, kumalat yung eyeliner mo oh” tas pinunasan nya ako. “hindi ka B.I. okay? sorry na.” tas inexplain nya yung side nya. Hindi talaga ako nagsasalita. Naoffend kasi ako. OA ko daw HAHAHAHAHA (lasing lang ako) haha! tapos ayun, inexplain din ng may bday yung side ko sknya, edi ayun. Nagsosorry sya. Tapos ako, “bukas na tayo mag-usap. hilo ka pa eh.” tas sabi nya “hindi ako hilo. ikaw nga un eh.” tas ako..

“WOW AH!” hindi ko alam kung bakit pero sumigaw ako nyan =))))))))) haha tangina! Tapos sabi nya ayaw nya daw palipasin yun hanggang bukas. Please naman daw, tingnan ko naman daw sya. Di talaga ko nagsasalita. Tapos ayon, lumabas sila. Niyaya ako nung isa naming kasama na sundan sila, ayoko.

Edi ayun, nagising ako nung umaga, wala sya sa tabi ko (eh tabi kami sa kama eh) tapos kinuha ko yung toothbrush ko sa bag. Nakita ko sya sa may terrace. Dun sya natulog!!! King ina. Nakayuko lang sya dun sa mesa. Dun sya buong gabi. Sympre ako, gusto ko sya papasukin. Pero mapride chicken din kasi ako. Tska 1 oras lang tulog ko. Hindi ko sya kinausap hanggang paguwi. Kahit kantsa-kantsawan ako ng iba naming kasama na batiin ko na daw, hindi ko talaga pinapansin.

Pero sympre kating kati na ako kausapin sya. Pero dko talaga kaya. Mejo may sakit pa din sa puso ko nun eh.

Hanggang sa nung nakauwi na, mejo malamig na yung ulo ko. Narealize ko rin yung mali ko. Sana pinakinggan ko yung side nya at sana hindi na ako nagdrama drama ng parang teleserye. Edi sana napatagal pa sana yung inuman namin nun.

HAHAHAHA PERO NGAYON OKAY NA KAMI. 
Tinatawanan na lang namin lahat ngayon. :)))) Pero kng ina, kung nawala talaga yun, makakapatay talaga ako ng tao. Baka pinasabog ko yung bar na yun. Joke HAHAHAHAHA.

Pero nagpapasalamat talaga ako kay jestine eh. Eherm. Yung may birthday. Sa pagyakap sakin nun. BEST FEELING EVER. Ang saya ng yakap mo gago. The best ka. Hindi mo alam kug gano mo napagaan pakiramdam ko nun T___T huhu

O nagddrama na naman ako. 

Pero seryoso talaga hahahaha! Natatawa ako ngayon.
Shot ule! =))))))))))))))))))